Tuesday, July 23, 2013

     sorry naman late si mamita sa paggawa ng blog about someone.. whew! the first time I saw this dalaga, I find her really cute ha.. I even told my only son about her, just curious if he was able to notice her.. nakita naman pala kaso may nagma may-ari na pala ng puso ng aking binata.. see may intention pa pala ako noon na i matched siya sa aking binata, ancient history na yun coz' madami na ang lumipas na taon..

     so what am I going to write about her kaya? well, first and foremost I'd like to thank her for the heartwarming blog she wrote about me.. hahaha.. she really did have a hard time writing one and I'm sure she wished that I wasn't her subject.. anyway, she's lucky (kaya?) to have picked my name..

     through the years di nagbago ang beauty ni dalaga.. in fact, (this is not because of the praises you said about me ha)her age added some maturity in her face which makes her even more beautiful.. it's a pity that wala ng MS. Baliuag University ngayon or MS.CAS man lang coz' I would really vote that she be included in the said beauty contests..

     to those who are not closed to her, they would think that she's kinda suplada but lo and behold! luka yan.. she's the prettiest and cutest beggar of all.. why beggar? hehehe.. pag sinumpong yan ng kalukahan, maglambing sya sa mga classmates and even sa ibang tao ha,she would asked for coins for her to buy food or minsan pang fare nya.. walang hiya-hiya iyon..

     If I remember it right, in an assignment that I asked them to write before, she wrote something about having problems and going out with her buddies gave her the chance to forget about it.. sana kako she have someone to share her problems with or whatever is troubling her at that time.. then, there was even a time hindi ko sila hawak nun as students,she called me up, feeling down kasi may problem sila about her brother.. then I realized that this dalaga is a good daughter and sis.. na touch ako noon knowing that she cares for them kahit na alam naman nyang she can't do anything about it coz' it's a problem that needs to be settled by older people and yet she exerted effort to contact me and asked for advice..

     In school naman, she's a good friend to her classmates, in fact they were like brothers and sister that is why I'm so proud of them (BAC4)..dedicated sa studies nya and I know she'll succeed in whatever endeavors she wants to get involved with..

     I've seen her blossomed into a beautiful woman with a nurturing heart.. I wish that this dalaga would remain as sweet as she is and pretty as ever.. at syempre mahal ko siya, silang lahat (BAC4) na para ko na ding mga anak..and who am I referring to? it's no other than Uni, the one and only Beautiful Lady.. 

     




Tuesday, July 16, 2013

Attention!

Hmm.. Pano ba to? Di ko akalain na magkaka baliktad ang mundo. Kailangan ko ngayon magsulat tungkol sayo. Well mukang hindi naman siguro mahirap to. Matagal na kita nakasama at sapat na yun para sa mga masasabi ko. Oo matagal na din naman siguro yung 1 year na yun :)

Matalino. Aktibo. Grades na puro uno! (Khing Santos?) Charot. Haha.

 Pero totoo kung sa talino lang naman ay alam na alam na natin yan. Valedictorian lang naman nung siya ay nasa Mataas na Paaralan.

Aktibong aktibo hindi lang sa silid aralan. Pati na rin sa iba"t ibang samahan sa loob at labas ng skwelahan.

Grades na puro uno? Ay sus. Wala na tatalo diyan. 

Ilang katangian lang naman na tinataglay ng babae na yan. Pero sigurado ako na marami pang iba ang hindi ko natutuklasan. HIndi ko naman kasi siya madalas makasama. Oo kasama ko siya araw-araw sa swela, pero hindi yun sapat para makapag kwentuhan kami ng sobra. Minsan nga dumadaan ang mga araw na hindi kami nakaka pagusap. 

Pero alam niyo ba? Na sa kabila ng Binibining ito pala ay may natatagong personalidad na iba. Nagulat talaga ako nung nalaman ko ito, sobra! Hindi ko kinaya nung sinabi niya sa amin na gusto niya maging sundalo pagkatapos ng pag-aaral niya. (Hindi niyo ba napapansin na yung sinusulat ko ay tugma pala? Oo nga noh nag r-rhyme siya. Haha wala lang nasabi ko lang para aware kayo :p )

Pangarap daw niya ito talaga :) hindi ko din lubos maisip. Na kung titingnan mo siya parang hindi siya magiging interasado sa mga ganung bagay. Parang puro pag aaral lang ang naiisip niya. Hindi naman kasi siya lalaki kung kumilos. Hindi magaslaw, pero nakaka windang talaga! Hindi ko ma imagine na pagdating ng panahon ay magiging isa siya na magaling na sundalo. 

Kaya kayong mga lalaki diyan, umayos ayos kayo ha. Hindi niyo alam kung sino ang babanggain niyo. Haha 

Sunday, July 14, 2013

Dear Nana Ondeng

Of all people, hindi ko talaga inaasahang siya pa ang makakabunot sa akin para igawa ako ng blind item.
Wow ha? Swerte ko! Kaso bitin! haha. Wala bang take two?

Teka nga, sino ba kasi siya? Siya. 

Siya yong unang prof namin sa major. Intro to Communication yon. Akala namin serious serious tapos ang pinagawang reporting sa amin ay dapat daw kakaiba. Oguy! Tandang tanda ko pa yon bilang unang frustration namin sa pagiging Comm Arts. Pero yon din ang unang beses na nagejoy ako sa pag-aaral.


Siya unang prof na gabi ang uwian after ng klase. My gulay! Yon yong mga panahon na unang beses akong napagalitan dahil sa gabi na ang aking uwian. Good thing nong mga panahon na yon ay may naghahatid sundo sa akin. Ay wis na palang pag-usapan ang nakalipas!

Siya yong prof na fashionista. Ay sorry! Daig ako ng lola niyo kapag pumorma. Shannen chupi ka rin muna! Kabog ka sa kanya. Terno terno talaga! Wala kang masasabi. Kaso nawala pakafashionista niya nong nasemplang siya sa bike. Di tuloy naka porma ng maayos. Tsk. (Wag na uulit Mam!)

Siya yong prof na daig pa ang may flight kung magpalecture. Swear! Alam kong di lang ako ang ganito ang pakiramdam. Palaging di ko maintndihan ang sulat ko kapag naglelecture e. At nga pala, mahilig siya sa quote for the day!


Siya yong prof na ang lakas mang-asar, ang lakas tumawa, at sasakyan ang mga trip niyo sa klase. Tandang tanda ko pa yong sinabi niya dati, "At the end of the sem dalawa lang ang mangyayari. Either magkaka-GF si *tutut* or aamin siya." Lakas tawa namin non! Tapos kahit ayaw ni Gil nagpapagulo at nagpapahawak sa buhok, siya pa yong maghahawak para mang asar lang.

Siya yong prof na nagpanood sa amin ng The Reader. (Naaalala ko pa yong mga censored parts haha). Tapos ang sabi pa niya, matured na kami para sa mga ganon.

Siya rin yong prof na nagpahirap sa amin maghanap ng record notebook na meron naman pala sa bookstore. Siya yong prof na nagpalaro ng PINOY HENYO. Tapos quiz pala namin yon! Siya rin yong unang prof na nagalit sa amin dahil sa SUPER BASS. PERO HIGIT SA LAHAT, SIYA YONG UNANG PROF NA NAGMAHAL SA BATCH NAMIN. :">

Marami na po tayong pinagdaanan Ma'am. Marami nang naganap. Salamat po sa palaging pagintindi sa aming kakulitan... sa palaging pag-aalala sa amin at sa pagmamahal. Mam Melo, malapit na po kaming magtapos. Paniguradong mamimiss po namin kayo. Pero ang sigurado Mam ay di ka namin malilimutan. NEVER EVER!

SINO SIYA? Siya si Mam Melo. Kung itatanong niyo sa akin kung bakit Mam Melo ang tawag ko sa kanya imbes na Mam Odie gaya ng tawag ng iba, abe ewan ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit. Basta nasanay na ko sa Mam Melo e!


MAHAL NA MAHAL PO KITA MAM MELO! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN! :)
Alam ko minsan badtrip ka rin samin, pero salamat po sa pagpapasensiya. WE LOVE YOU MAM! :)

Friday, July 12, 2013

GIL, are you.......

 ito si GIL. Gara, di ba?
Gil, 'wag kang bitter sa sinulat niya. Ganda kaya! Funny!
Saka do'n ka makakakuha ng lesson sa buhay...

hahahzhaa................

NAG I1




Two words to describe this person BEST FRIEND! Tama, sya ang best friend ng lahat (it depends on how you give meaning to these words). Friendly din sya, sa sobrang friendly nya nga he does not only gain friends but enemies as well. Sya din yung tipo ng taong mapapatawa ka kahit wala syang ginagawa. Hindi ko alam kung sinasadya nyang magpatawa o talagang di nya alam na nakakatawa sya. Sa sobrang tawa mo mapapaiyak ka na.
 Sa lahat ng taong nakilala ko nag-iisa sya. NAG-IISA sya at NAG-IISA sya (UTANG NA LOOB Sana talaga nag-iisa na lang sya). Sya lang yung taong kayang magpakulo ng dugo mo sobra. Yung pakiramdam na sa sobrang kulo ng dugo mo matutuyuan ka na ng dugo. Sa salita pa lang na sinasabi nya, pagtaas pa lang ng kilay, o kaya sa paraan ng pagtingin nya, sa pagtindig nya, o sa pagtawa nya panigurado magkaka high blood ka.
Dahil din sa kanya, nalaman ko na kahit ano palang galit mo pwede pang tumindi yun. Kapag naasar ka sa kanya daig mo pa si Gokou, magiging super saiyan 1,2,3 at sa kung hanggang ilan ang kaya mong bilangin. Totoo yun, base on true to life story :)
Sya din ang taong sobrang vain daw. Yung tipong naglalakad na lang sa hagdan nakapayong pa sya. Sa sobrang o.a nya marami ang naaasar sa kanya. And when I say marami, marami talaga. Kung di kayo isa sa kanila e wag na kayo mag comment. Ewan ko ba sa kanya takot na takot sya umitim.
Sya ay ang nag-iisang taong nakilala ko na sobrang kakaiba ng paniniwala sa buhay. Minsan nung first year kami, nakita nyang nilabas ko ang cellphone ko, bigla ba namang sinabi na ang mga taong nag cecellphone daw walang inatupag kundi mag boyfriend. Kung totoo yun edi nung grade 5 pa ako nagkabf ay hanep pala.
Eto pa, napakalawak ng imahinasyon nyan. Gusto mo ng sample? Noong mga panahong nagtatago ang isang senador, bigla nyang sinabi sa klase na nakita nya daw si Mr. Senator sa simbahan sa Baliuag. At nung kahahalal pa lang ni PNoy sinabi din nya nakita daw nya ito doon din sa pinagkakitaan nya kay Mr. Senator. Kaya ngayon napapa-isip ako sino kaya ang susunod nyang makikita?
Alam kong alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko. At alam ko na din na alam na nya na sya ang tinutukoy ko. Hindi na kita pupurihin dahil nagawa na yun ni Ivo sa blog nya about you. Sasabihin ko na lang ang mga bagay na madalas naming sabihin sayo, para di na namin uulitin palagi. Kung sakali mang magkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan basahin mo na lang ito ulit para alam mo na ang sasabihin namin sayo.
Una, wag kang magagalit pag may nag joke. Wag mo sanang Seryosohin. Matuto ka sumakay sa trip ng ibang tao. Wag kang laging galit lalo na sa ibang tao. Matuto kang magsalita at magpaliwanag ng mahinahon, papakinggan ka naman nila kahit di ka sumigaw. At brad, wag kang makinig sa usapan ng iba. Mamaya surprise pala yun, e nalaman mo na agad. Wag ka rin namamalo. Sa laki at bigat ng kamay mo, panigurado makakasakit ka.
At higit sa lahat kalimutan mo na ang past mo. Hindi yan nakakatulong sa buhay mo sa ngayon. Kapag naaalala mo ba yun, sumasaya ka? Hindi naman di ba? Sila nag move on na ikaw hindi pa. So sino ang talo sa inyo, hindi ba’t ikaw rin? Sino ang masaya, sila di ba? Ikaw, miserable pa rin. Napuno ka ng insecurities sa katawan mo na umabot sa punto na hindi ka makalabas ng hindi nagpapayong.
Makinig ka sana lagi sa sinasabi namin. Wag mong balewalain lahat ng sinabi namin sa iyo. Wag mong ikukumpara ang mga taong kaharap mo ngayon sa mga taong Nakaharap mo dati. Dahil baka sa pagmamatigas mo mapagod na lahat ng taong nagmamalasakit sa iyo at tigilan ka na lang nila. Bigla na lang mawala ang mga tunay mong kaibigan dahil sa kagustuhan mong gumanti sa iyong nakaraan. Sino ang talunan sa huli? Hindi naman sila di ba? Hindi rin kami. Alam mo na kung sino.
Mabuhay ka hindi para sa kanila kundi para sayo. Wag kang mag sumikap para makaganti, mag sumikap ka para umunlad ang buhay mo, para makuntento ka.
Sa totoo lang natutuwa ako na natatandaan mo pa pala ang mga sinabi ko sa iyo. Mas masarap mangulekta ng kaibigan kesa kaaway. Ang pag-amin mo ay unang hakbang na, ipagpatuloy mo sana yun.
Lahat kami ay kaibigan mo. Kung minsan nasusungitan ka o kaya ay nasisigawan wag mong isipin na galit kami sayo. Normal lang yun, di lang naman ikaw ang nasigawan na di ba? Magpakatotoo ka, hindi kami ibang tao. Tandaan mo kaibigan mo kami. Kung lagi kaming mabait sayo kahit nakakagawa  ka na ng mali e di mo kami kaibigan nun brad. Kahit pag graduate o 20 o 50 years after graduation tayo pa din naman ang BAC III o BAC IV na ngayon. Walang magbabago dun.












Thursday, July 11, 2013

BEYM!

Sisimulan ko ang blog na ito sa salitang “MAGANDA” oh ayan ah nka all caps pa hehe..pero seryoso unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na agad ako pero…………………..

Naalala ko nuong unang unang araw ko dito sa BU, nag papakilala kami nuon isa-isa tapos nakita ko sya sabi ko sa sarili ko “maganda to ah, kaso parang may mali” tinignan ko sya mabuti, ahhh alam ko na masyado maputi ang bmukha nya haha pis beb mwa .. pero wag ka nung nagpakilala na sya, lahat nakanganga. Grabe kaiingit tong babae na to, ganda ng boses, ganda ng mukha at tapang ng hiya xD ayun ang wala ako, e mahiyain kase ako e.

Habang tumatagal na kami ay magklasmeyt  napansin ko na hindi sya masyadong friendly, wala sya gaanong friends, e siguro kasi nakakainsecure ang beauty nya kaya wala ganung nag aaproach sa kanya haha taray eh, baka nga naman pag kinausap mo sya e ingles ang sagot sayo e patay na haha.

Pero yung babae nay an, love ko yan eh, yiieee, close kaya kami nyan o feeling close lng ako chos para na kaming sisters nyan, nag hheart to hearttalk kami nyan, nag oopen sya sakin tungkol sa mga problema nya, mga secrets, mga boys pati nga  kuya ko e haha.

                Itong babae nato palaban yan, walang inuurungan hindi sa awayan ah, kundi sa pagalingan. Medyo may pagka tamad nga lang, yung oras nya para may review e nauubos sa pag nnose line hahaha, pero yakang yaka naman nya mga exam e, yan pa J

Kung minsan e may pagkaburara sya, minsan nga lang ba? Ay mali kadalasan pala pis mwa, pero atlis nasa kanya pa yung binigay kong balat ng candy, e nasa kanya pa nga ba gang ngayon. Mukang mahaba na to at medyo nkakatamad ng basahin.

Basta ang masasabi ko etong babae nato isa syang totoong tao, mabaet, mapagmahal , maganda at very talented pa, kaya lang nga e medyo tamad, burara, kung minsan e tulala, hindi pinapansin ang nasa paligid, pero tingin ko e yayaman tong bata nato, pwedeng singer, artista, reporter wag lang dancer haha SWOT ba ito kulang nalang Threats e pero alam ko naman na wala kang threats e yadang. Osya tapusin na natin to.

P.S.
Beb tandaan mo na nandito lang ako palagi, pag may problem ka just tell me ukis? Wag lang sa pera at wala din ako nun hehe ILOVEYOU wenvy at hindi kita makakalimutan ever. Sana e ndi ka nadisappoint sa gawa ko alam mo naman na medyo may pagkatamad din ako e haha mwaaaah :*

Ay! Like!

Ay! Like!
            Promise, hindi na ito blind item….. hahaha… kung no’ng una, siya ang nag-describe sa akin, ngayon naman ako ang magde-describe sa kanya. Medyo mahirap pa rin kasi paano ko pa ilalarawan ang isang tao na LIKE na LIKE na ng lahat?
            Ano pa ang pwede kong sabihin tungkol kay MA. SOPHIA LOTEREÑA? Ano pang words ang pwedeng ipang-describe kay ATE PIE? Hmm…. Dami pa pero baka batukan ako sa susunod ‘pag sinabi ko…. (peace po tayo)… sumusubok lang kung pwedeng maging joker pero CORNY pa rin talaga si PAU. Maganda po lahat ng ilalagay ko rito para hindi siya magtampo. Baka kasi bawiin iyong mga sinabi niyang description sa akin (kahit hindi naman talaga totoo lahat ng iyon! Hahaha…)
            Mabalik lang tayo kay Ate Pie… well, si Ate Pie……….

   ----- Mabait! (Weh?)
   ----- Approachable! (Talaga?)
   ----- Friendly! (Di nga?)
   ----- Maganda! (Pssshhhh)
   ----- Cute! (Ows?)
   ----- Minsan tamad! (Ay! Like! Peace po…)

            Masama raw po kasing magsinungaling kaya iyan po ang nilagay ko. Mahirap na. Baka hindi po ako papasukin sa heaven kapag nagsinungaling ako. Hindi na rin kasi kailangang maraming paliwanag dahil ‘pag nakita mo siya, baka sabihin mo ring “Ay! Bet ko! Ay! Like!”
            Noong unang siyang nagpakilala sa amin, napansin ko lang… lagi siyang nakangiti at iyon ang nagbigay ng positive aura niya araw-araw. Natatandaan ko pa nga, nagpatawag siya agad ng ATE noon. Hindi na nag-deny kung ilang taon na siya. Haha… Siguro, ang nasa isip niya noon, “Eh, ano kung ganito na ang age ko, HINDI NAMAN HALATA!” Na kung titingnan natin siya ngayon, hindi naman talaga halata. Nadadala kasi ng ngiti niya. (Uy, lumalaki ang ulo…) No joke! I’m serious here, lagi mo naman talagang makikita na nakangiti siya. Siguro, makikita mo lang siyang medyo nakasimangot kung darating at kasalukuyan siyang may tuldok!
            Ewan ko lang kung bakit lagi niyang sinasabi na kailangan niyang mag-diet. Okay lang naman kasi ang katawan niya para sa akin. Natatawa na nga lang ako ‘pag binibiro siya na pumapayat nga, pero hindi kasama ang pisngi at ang mukha. Ayos nga lang kasi ang katawan niya. Maybe, innate na lang talaga sa babae na ma-conscious sa itsura ng katawan. Ewan ko ba naman, basta ako walang problema do’n. (OK! ‘Wag ng isingit ang sarili!)

Ang kakulitan nitong si Sophia
Noon at ngayon, kaylaki ng ipinagkaiba
Lahat ng sabihin ay talagang nakakatawa
Di ko masabi kung saan nahawa.

Sa hagikgik ng parang bata
Isama pa ang linyang “Wizz! Uba-uba!”
Tiyak sa kanyang mga kasama ay bebenta
Kasabay pang sasabihin na “Okay, beb! Gora na!”

For sure, tawa ay di kayang pigilin
Di rin matitiis na siya ay di tanungin
‘Pag nakita at nakasama mo siyang kumain
Ang isang butil na kanin, pilit pa rin niyang tatanggalin.

            Ooppss… Wait lang po! Hindi pa po ako tapos. Kailangan ko pang ipagtanggol ang sarili ko dahil sinabi ko rin na medyo tamad din siya minsan. MINSAN lang naman. Ang hirap talagang magsinungaling (Hahaha…). Hindi na rin kasi mawawala sa isang tao ang katamaran. AKO man ay TAMAD din. (Hayan po, ah, sinabi kong tamad din ako para pareho lang tayo… haha…) Gano’n talaga ang tao, may negative side din.

But hey! Kung siya’y tamad minsan
Sa dami ng followers at fans, di kayo uurungan
Dahil sa videos at sayaw niyang Gentleman
Likes niya’y 65,000+ lang naman.

Siguro’y wala na akong dapat pang sabihin
Si Ate Pie na lang ay unawain at kilalanin
At kapag siya’y inyong naging kaibigan
For sure, wala rin kayong panghihinyangan.

P.S.
            Maraming salamat sa nagpauso ng ganitong technique sa pagsusulat ng blog. Mas madali nga siyang matapos. Aminado akong nanggaya ko pero masaya pala.

Kung ang technique ay ginaya ko man
Mga sinabi ko nama’y walang kasinungalingan
Kung patula ko man siya idinaan
Wala lang akong maisip na ibang paraan.

Sa mga makakabasa nito, sana’y pagpasensyahan
Kahit paano naman po ito pa rin ay aking pinaghirapan
Nagkataon lang na ang utak ay wala sa katinuan

At marahil, sinumpong lang po ng KATAMARAN.