Friday, July 12, 2013

NAG I1




Two words to describe this person BEST FRIEND! Tama, sya ang best friend ng lahat (it depends on how you give meaning to these words). Friendly din sya, sa sobrang friendly nya nga he does not only gain friends but enemies as well. Sya din yung tipo ng taong mapapatawa ka kahit wala syang ginagawa. Hindi ko alam kung sinasadya nyang magpatawa o talagang di nya alam na nakakatawa sya. Sa sobrang tawa mo mapapaiyak ka na.
 Sa lahat ng taong nakilala ko nag-iisa sya. NAG-IISA sya at NAG-IISA sya (UTANG NA LOOB Sana talaga nag-iisa na lang sya). Sya lang yung taong kayang magpakulo ng dugo mo sobra. Yung pakiramdam na sa sobrang kulo ng dugo mo matutuyuan ka na ng dugo. Sa salita pa lang na sinasabi nya, pagtaas pa lang ng kilay, o kaya sa paraan ng pagtingin nya, sa pagtindig nya, o sa pagtawa nya panigurado magkaka high blood ka.
Dahil din sa kanya, nalaman ko na kahit ano palang galit mo pwede pang tumindi yun. Kapag naasar ka sa kanya daig mo pa si Gokou, magiging super saiyan 1,2,3 at sa kung hanggang ilan ang kaya mong bilangin. Totoo yun, base on true to life story :)
Sya din ang taong sobrang vain daw. Yung tipong naglalakad na lang sa hagdan nakapayong pa sya. Sa sobrang o.a nya marami ang naaasar sa kanya. And when I say marami, marami talaga. Kung di kayo isa sa kanila e wag na kayo mag comment. Ewan ko ba sa kanya takot na takot sya umitim.
Sya ay ang nag-iisang taong nakilala ko na sobrang kakaiba ng paniniwala sa buhay. Minsan nung first year kami, nakita nyang nilabas ko ang cellphone ko, bigla ba namang sinabi na ang mga taong nag cecellphone daw walang inatupag kundi mag boyfriend. Kung totoo yun edi nung grade 5 pa ako nagkabf ay hanep pala.
Eto pa, napakalawak ng imahinasyon nyan. Gusto mo ng sample? Noong mga panahong nagtatago ang isang senador, bigla nyang sinabi sa klase na nakita nya daw si Mr. Senator sa simbahan sa Baliuag. At nung kahahalal pa lang ni PNoy sinabi din nya nakita daw nya ito doon din sa pinagkakitaan nya kay Mr. Senator. Kaya ngayon napapa-isip ako sino kaya ang susunod nyang makikita?
Alam kong alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko. At alam ko na din na alam na nya na sya ang tinutukoy ko. Hindi na kita pupurihin dahil nagawa na yun ni Ivo sa blog nya about you. Sasabihin ko na lang ang mga bagay na madalas naming sabihin sayo, para di na namin uulitin palagi. Kung sakali mang magkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan basahin mo na lang ito ulit para alam mo na ang sasabihin namin sayo.
Una, wag kang magagalit pag may nag joke. Wag mo sanang Seryosohin. Matuto ka sumakay sa trip ng ibang tao. Wag kang laging galit lalo na sa ibang tao. Matuto kang magsalita at magpaliwanag ng mahinahon, papakinggan ka naman nila kahit di ka sumigaw. At brad, wag kang makinig sa usapan ng iba. Mamaya surprise pala yun, e nalaman mo na agad. Wag ka rin namamalo. Sa laki at bigat ng kamay mo, panigurado makakasakit ka.
At higit sa lahat kalimutan mo na ang past mo. Hindi yan nakakatulong sa buhay mo sa ngayon. Kapag naaalala mo ba yun, sumasaya ka? Hindi naman di ba? Sila nag move on na ikaw hindi pa. So sino ang talo sa inyo, hindi ba’t ikaw rin? Sino ang masaya, sila di ba? Ikaw, miserable pa rin. Napuno ka ng insecurities sa katawan mo na umabot sa punto na hindi ka makalabas ng hindi nagpapayong.
Makinig ka sana lagi sa sinasabi namin. Wag mong balewalain lahat ng sinabi namin sa iyo. Wag mong ikukumpara ang mga taong kaharap mo ngayon sa mga taong Nakaharap mo dati. Dahil baka sa pagmamatigas mo mapagod na lahat ng taong nagmamalasakit sa iyo at tigilan ka na lang nila. Bigla na lang mawala ang mga tunay mong kaibigan dahil sa kagustuhan mong gumanti sa iyong nakaraan. Sino ang talunan sa huli? Hindi naman sila di ba? Hindi rin kami. Alam mo na kung sino.
Mabuhay ka hindi para sa kanila kundi para sayo. Wag kang mag sumikap para makaganti, mag sumikap ka para umunlad ang buhay mo, para makuntento ka.
Sa totoo lang natutuwa ako na natatandaan mo pa pala ang mga sinabi ko sa iyo. Mas masarap mangulekta ng kaibigan kesa kaaway. Ang pag-amin mo ay unang hakbang na, ipagpatuloy mo sana yun.
Lahat kami ay kaibigan mo. Kung minsan nasusungitan ka o kaya ay nasisigawan wag mong isipin na galit kami sayo. Normal lang yun, di lang naman ikaw ang nasigawan na di ba? Magpakatotoo ka, hindi kami ibang tao. Tandaan mo kaibigan mo kami. Kung lagi kaming mabait sayo kahit nakakagawa  ka na ng mali e di mo kami kaibigan nun brad. Kahit pag graduate o 20 o 50 years after graduation tayo pa din naman ang BAC III o BAC IV na ngayon. Walang magbabago dun.












5 comments:

  1. ano ba yan =), nakakatouch na eh...naliliwanagan na sana ako at magsisimula na sana ako ulet sa simula, tapos may " I LIED" part sa huli?...Is this for real? You know what: All of my descriptions and observations about you is nothing but the truth, walang halong biro at pagsisinungaling yun.

    But if you are giving me a test if what will be my reactions about this, well I must say, you're test is not enough, give me more test please. =)































































    "JUST KIDDING"

    ReplyDelete
  2. gara... galing gumawa ni april.. bow ako sa'yo..

    ReplyDelete