Ay! Like!
Promise, hindi
na ito blind item….. hahaha… kung no’ng una, siya ang nag-describe sa akin,
ngayon naman ako ang magde-describe sa kanya. Medyo mahirap pa rin kasi paano
ko pa ilalarawan ang isang tao na LIKE na LIKE na ng lahat?
Ano pa ang pwede kong sabihin
tungkol kay MA. SOPHIA LOTEREÑA? Ano pang words ang pwedeng ipang-describe kay
ATE PIE? Hmm…. Dami pa pero baka batukan ako sa susunod ‘pag sinabi ko…. (peace
po tayo)… sumusubok lang kung pwedeng maging joker pero CORNY pa rin talaga si
PAU. Maganda po lahat ng ilalagay ko rito para hindi siya magtampo. Baka kasi
bawiin iyong mga sinabi niyang description sa akin (kahit hindi naman talaga
totoo lahat ng iyon! Hahaha…)
Mabalik lang tayo kay Ate Pie… well,
si Ate Pie……….
----- Mabait! (Weh?)
----- Approachable! (Talaga?)
----- Friendly! (Di nga?)
----- Maganda! (Pssshhhh)
----- Cute! (Ows?)
----- Minsan
tamad! (Ay! Like! Peace po…)
Masama raw po kasing magsinungaling
kaya iyan po ang nilagay ko. Mahirap na. Baka hindi po ako papasukin sa heaven
kapag nagsinungaling ako. Hindi na rin kasi kailangang maraming paliwanag dahil
‘pag nakita mo siya, baka sabihin mo ring “Ay! Bet ko! Ay! Like!”
Noong unang siyang nagpakilala sa
amin, napansin ko lang… lagi siyang nakangiti at iyon ang nagbigay ng positive
aura niya araw-araw. Natatandaan ko pa nga, nagpatawag siya agad ng ATE noon.
Hindi na nag-deny kung ilang taon na siya. Haha… Siguro, ang nasa isip niya
noon, “Eh, ano kung ganito na ang age ko, HINDI NAMAN HALATA!” Na
kung titingnan natin siya ngayon, hindi naman talaga halata. Nadadala kasi ng
ngiti niya. (Uy, lumalaki ang ulo…) No joke! I’m serious here, lagi mo naman
talagang makikita na nakangiti siya. Siguro, makikita mo lang siyang medyo
nakasimangot kung darating at kasalukuyan siyang may tuldok!
Ewan ko lang kung bakit lagi niyang
sinasabi na kailangan niyang mag-diet. Okay lang naman kasi ang katawan niya
para sa akin. Natatawa na nga lang ako ‘pag binibiro siya na pumapayat nga,
pero hindi kasama ang pisngi at ang mukha. Ayos nga lang kasi ang katawan niya.
Maybe, innate na lang talaga sa babae na ma-conscious sa itsura ng katawan.
Ewan ko ba naman, basta ako walang problema do’n. (OK! ‘Wag ng isingit ang
sarili!)
Ang kakulitan
nitong si Sophia
Noon at ngayon,
kaylaki ng ipinagkaiba
Lahat ng sabihin
ay talagang nakakatawa
Di ko masabi
kung saan nahawa.
Sa hagikgik ng
parang bata
Isama pa ang
linyang “Wizz! Uba-uba!”
Tiyak sa kanyang
mga kasama ay bebenta
Kasabay pang
sasabihin na “Okay, beb! Gora na!”
For sure, tawa
ay di kayang pigilin
Di rin matitiis
na siya ay di tanungin
‘Pag nakita at
nakasama mo siyang kumain
Ang isang butil
na kanin, pilit pa rin niyang tatanggalin.
Ooppss… Wait lang po! Hindi pa po
ako tapos. Kailangan ko pang ipagtanggol ang sarili ko dahil sinabi ko rin na
medyo tamad din siya minsan. MINSAN
lang naman. Ang hirap talagang magsinungaling (Hahaha…). Hindi na rin kasi
mawawala sa isang tao ang katamaran. AKO
man ay TAMAD din. (Hayan po, ah, sinabi kong tamad din ako para pareho lang
tayo… haha…) Gano’n talaga ang tao, may negative side din.
But
hey! Kung siya’y tamad minsan
Sa
dami ng followers at fans, di kayo uurungan
Dahil
sa videos at sayaw niyang Gentleman
Likes
niya’y 65,000+ lang naman.
Siguro’y
wala na akong dapat pang sabihin
Si
Ate Pie na lang ay unawain at kilalanin
At
kapag siya’y inyong naging kaibigan
For
sure, wala rin kayong panghihinyangan.
P.S.
Maraming salamat sa nagpauso ng ganitong technique sa pagsusulat
ng blog. Mas madali nga siyang matapos. Aminado akong nanggaya ko pero masaya
pala.
Kung
ang technique ay ginaya ko man
Mga
sinabi ko nama’y walang kasinungalingan
Kung
patula ko man siya idinaan
Wala
lang akong maisip na ibang paraan.
Sa
mga makakabasa nito, sana’y pagpasensyahan
Kahit
paano naman po ito pa rin ay aking pinaghirapan
Nagkataon
lang na ang utak ay wala sa katinuan
At
marahil, sinumpong lang po ng KATAMARAN.
No comments:
Post a Comment