Sunday, July 14, 2013

Dear Nana Ondeng

Of all people, hindi ko talaga inaasahang siya pa ang makakabunot sa akin para igawa ako ng blind item.
Wow ha? Swerte ko! Kaso bitin! haha. Wala bang take two?

Teka nga, sino ba kasi siya? Siya. 

Siya yong unang prof namin sa major. Intro to Communication yon. Akala namin serious serious tapos ang pinagawang reporting sa amin ay dapat daw kakaiba. Oguy! Tandang tanda ko pa yon bilang unang frustration namin sa pagiging Comm Arts. Pero yon din ang unang beses na nagejoy ako sa pag-aaral.


Siya unang prof na gabi ang uwian after ng klase. My gulay! Yon yong mga panahon na unang beses akong napagalitan dahil sa gabi na ang aking uwian. Good thing nong mga panahon na yon ay may naghahatid sundo sa akin. Ay wis na palang pag-usapan ang nakalipas!

Siya yong prof na fashionista. Ay sorry! Daig ako ng lola niyo kapag pumorma. Shannen chupi ka rin muna! Kabog ka sa kanya. Terno terno talaga! Wala kang masasabi. Kaso nawala pakafashionista niya nong nasemplang siya sa bike. Di tuloy naka porma ng maayos. Tsk. (Wag na uulit Mam!)

Siya yong prof na daig pa ang may flight kung magpalecture. Swear! Alam kong di lang ako ang ganito ang pakiramdam. Palaging di ko maintndihan ang sulat ko kapag naglelecture e. At nga pala, mahilig siya sa quote for the day!


Siya yong prof na ang lakas mang-asar, ang lakas tumawa, at sasakyan ang mga trip niyo sa klase. Tandang tanda ko pa yong sinabi niya dati, "At the end of the sem dalawa lang ang mangyayari. Either magkaka-GF si *tutut* or aamin siya." Lakas tawa namin non! Tapos kahit ayaw ni Gil nagpapagulo at nagpapahawak sa buhok, siya pa yong maghahawak para mang asar lang.

Siya yong prof na nagpanood sa amin ng The Reader. (Naaalala ko pa yong mga censored parts haha). Tapos ang sabi pa niya, matured na kami para sa mga ganon.

Siya rin yong prof na nagpahirap sa amin maghanap ng record notebook na meron naman pala sa bookstore. Siya yong prof na nagpalaro ng PINOY HENYO. Tapos quiz pala namin yon! Siya rin yong unang prof na nagalit sa amin dahil sa SUPER BASS. PERO HIGIT SA LAHAT, SIYA YONG UNANG PROF NA NAGMAHAL SA BATCH NAMIN. :">

Marami na po tayong pinagdaanan Ma'am. Marami nang naganap. Salamat po sa palaging pagintindi sa aming kakulitan... sa palaging pag-aalala sa amin at sa pagmamahal. Mam Melo, malapit na po kaming magtapos. Paniguradong mamimiss po namin kayo. Pero ang sigurado Mam ay di ka namin malilimutan. NEVER EVER!

SINO SIYA? Siya si Mam Melo. Kung itatanong niyo sa akin kung bakit Mam Melo ang tawag ko sa kanya imbes na Mam Odie gaya ng tawag ng iba, abe ewan ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit. Basta nasanay na ko sa Mam Melo e!


MAHAL NA MAHAL PO KITA MAM MELO! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN! :)
Alam ko minsan badtrip ka rin samin, pero salamat po sa pagpapasensiya. WE LOVE YOU MAM! :)

3 comments:

  1. Sino ba kasi yung kumanta ng SUPERBASS na yun at naiyak si mamita!!! :)

    ReplyDelete
  2. e ikaw lang po kaya.. you have that sole distinction dear at your class have it too.. never, ever will I forget you dears.. our home is always open for you mga anak.. thanks Ivo for this wonderful blog..

    ReplyDelete
  3. hahahha. ako pala yun. hahahha.

    ReplyDelete