'Di Ko Inakala..........
Paano
ko kikilalanin ang isang taong hindi ko naman nakakasama ng matagal? Paano ko
ilalarawan ang ugali niya kung kaunti lang ang alam ko tungkol sa kanya? Hindi
naman sapat iyong mga nakikita ko lang. Kung gusto kong magsabi ng tungkol sa
kanya, dapat kahit minsan, nakausap ko siya ng matagal… pero paano nga? Iba
siya, iba ako. Baka hindi kami magkaintindihan.
No’ng
nakuha ko ang pangalan niya… tsk! Bakit siya? Anong isusulat ko tungkol sa
kanya? Ang hirap naman. Paano kung iba ang nakikita ko sa nakikita ng iba?
Malamang nagkasakitan pa pala dahil dito. Ano ba ‘yan? Ang dami ko sanang
masasabi at maisusulat tungkol sa kanya kung kahit pa’no nagkakausap kami gaya
ng pakikipag-usap niya sa close friends niya. Kapag nagkakagulo na ang klase sa
biruan, sumasali man ako pero mas marami pa ang pagtahimik ko.
Kaya…..
Heto,
sa dami ng pwedeng makuhang pangalan, ‘di ko inakalang si *toink* pa ang nakuha
ko. Parang blind item daw ang gagawin. Sus! Ako nga mismo, blind tungkol sa
totoong siya. Base on observation lang ang maisusulat ko kaya pagpasensyahan na
lang kung anuman ang mabasa n’yo rito. If I’m wrong, sorry and then, correct me
afterwards. O kaya… walkout ka na lang… (hahahaha) :))
Sino
ba talaga siya? Well, tao siya na may sampung mga daliri sa kamay at paa…
dalawang tainga, dalawang mata, ilong na………. Mayroon din siyang paa, tuhod,
balikat, ulo. Yes, base sa nakita ko kumpleto naman ang parte niya sa katawan.
At least, d’yan man lang, masabi kong magkapareho kami.
Okay,
seryoso na nga. No’ng una kaming magkita, sabi ko, “Ah, siya pala.” May narinig
kasi ako na ganito siya na gano’n siya pero ‘di ko inakala na sa paglipas ng
araw na magkaklase kami, nalaman ko na… “Ay! Oo nga!” at saka “Parang hindi
naman.” Lahat naman ng tao may itsura kaya masasabi kong isa siya ro’n. Ugali?
Ano nga ba? When we say ugali, we should consider 3 things…..
Funny
in her own way. Nakakatawa kasi minsan ang ginagawa niya lalo na kung wala pang
prof sa room. Nagsasayaw siya at pinapanood ang sarili niyang anino kapag may
projector sa harap niya. Naalala ko nga na nahuli pa siya one time. Sila ni
*toink* ang magkasundo sa mga kakaibang sayaw na matatawa ka na lang ‘pag
nakita mo. Unique at original ang sayaw nila. Hahanga ka. Hayy… Buti pa siya
may talent sa gano’n… At sila rin ang tandem pagdating sa pagpapauso ng
kakaibang salita sa klase. Ay! Grabe! Pakinggan n’yo siya sa ganyan… ay day!
Iba! Di ko nga inakala na may gano’ng side pala ang pagkatao niya. Nakakatawa
lang talaga. Kengkoy o kengkay?!
Mahiyain?
Ewan, kasi parang hindi naman. Siguro kapag hindi lang niya kilala ang ibang
tao. Malakas naman kasi maglabas ng kakaiba niyang kalokohan sa katawan kaya
hindi ko alam kung mahiyain ba siya o ano. :)) (Peace tayo.)
Madaling
ma-shock. Yup, ganyan siya pagdating kay *toink*. Then, kakaiba rin ang facial
reaction niya kapag nagsalita si *toink*. At ‘pag hindi na niya matiis,
magsasalita na siya para matahimik itong isa. Don’t worry, hindi naman
nakaka-offend ang mga sinasabi niya kasi totoo naman. No’ng una lang siguro
siya na-culture shock pero no’ng tumagal, nasasakyan na rin niya ang trip ng
buong klase. Minsan nga, siya na rin ang nagsisimula.
Siguro
‘yan na lang ang masasabi ko. Ang hirap kasi talaga mag-isip ng tungkol sa
kanya. Mabuti naman siguro siyang kaibigan sa barkada niya, madaling pakisamahan
at talagang very funny kasama. Para sa akin, mabait siyang kaklase. (Walkout
ulit?) :)) (hahahaha)
‘Pag
nabasa n’yo ito, masasabi rin n’yo na “Uy! Di ko inakala na makakasulat ng siya
ng ganito.” Pagpasensyahan n’yo na rin ang nakayanan kasi ‘di ko talaga inakala
na siya ang makukuha kong name, kaya iyan, isinulat ko lang kung ano lang ang
nakita ko. At ‘di ko rin inakala na matatapos ko ito kahit wala talaga akong
idea kung pa’no simulan…
At
lalong ‘di ko rin inakala na sa wakas tapos na ako! :)) :))
HAHAHAHHAH, natawa ko. "WALK OUT". eeee. sinu ba yun???? we have to consider 487 things. :)
ReplyDeletekinda mahirap the who ang subject ni pau.. laters, review ko ulit..
ReplyDeletemam. si shannen po itech :)
ReplyDeletefeel ko nga tsel.. sabi ko na need ko read ulit ehh..
ReplyDelete