Friday, June 28, 2013

This person is...Hulaan nyo!



 This person is... Hulaan nyo!

You will know this person by the passion and determination na kanyang ipinapakita in every day of school, presentation and project days. But lagi siyang stress at mukhang malungkot kapag ka magdidiscuss na.

This person has an own ability and technique of solving problems. Palagi siyang may dahilan para sumaya at tumawa upang ma-solve ang problema niya.

You can also see in this creature the sense of thriftiness and yet valued money like a precious thing, which anyone of us would not know if we will have it pa the next day.

This person never goes late at classes except on the time that this person has no chance yet of finding a jeep papunta sa university. 

Siya rin ang taong never ko pang nakitang umuwi ng walang kasabay, palagi niyang iniintay ung mga kasama niya and vice versa iniintay rin siya ng mga kasamahan niya.

If friend mo sya, masasabi mong isa siya sa mga maraming taong pwedeng maging loyal at very supportive na kaibigan sayo. I remember the time when a common friend of ours passed away, I can feel the sadness on the face of this person with matching bumabahang luha sa lupa ang makikita mo. Umiiyak din naman ako, pero mas matindi yung sa kanya, itinuring na kase niyang kapatid ang taong yun.

The first time na mameet ko siya, long hair pa siya nun, aba mukha ring matalino, mukhang susungitan ka lang kapag ka nagtanong ka, pero I just realized na hindi naman pala siya masyadong mahirap pakisamahan. Dahil isa siya sa maraming kapwa estyudante na nakikinig habang ako ay bumabangka sa pag-iinterview sa iba ko pang mga kaklase.

Sa mga sumunod pang mga taon, lalong kong naramdaman ang kanyang pagiging estyudante na meron din pa palang taong katulad niya na nanghihinayang rin sa perang pinampapaaral sa kanya, sa mga baon at effort ng family mo sa iyo.

More than anything else, I may consider this person as the one na pinaka-nagpakatoo at pinakasimple sa pamumuhay, gawi, at sa sinasabi sa buong batch ng BAC IV ngayon. Tama naman kase siya na importante ang kaibigan sa buhay, without it kase, your entire college life will be boring.

I must admit, may regret ako sa sarili ko na kung bakit ngayon lang kame nagkapalagayan ng loob?, bakit hindi noon pa para wala ng nangyaring di kaaya-aya at para hindi na ako ang naging sanhi ng pag-ulan ng kanyang langit.

Now the power to guess this simple but meaty blind item blog is in your own hands. Remember, think before you drop names.

1 comment: