Friday, June 28, 2013

Opposite Attracts?

Kailan mo masasabi na kilala mo na ang isang tao? Kapag alam mo na ang pangalan nya, address, age, likes, dislikes, favorite color, food, actors at actresses? Kapag alam mo na ang most embarrassing moment nya, first love, first kiss, at kung ano-ano pang first sa buhay nya? In short, kilala mo na ba ang isang tao kapag nasagot na nya ang slum book mo with matching dedication pa para sayo?

Ako kasi hindi. Yung tipong kahit kasama ko na sya araw-araw, kahit pa minu-minuto ko syang kasama hindi ko pa rin masasabi na kilala ko na sya. Ang hirap mag describe ng isang tao kung wala kang masabi na ibang bagay na hindi pa alam ng iba. Mahirap mag-describe kung ang taong idedescribe mo ay mas kilala pa ng ibang tao. Well, that’s life, full of challenges and surprises. So enough of my rants, makapag umpisa na bago pa mawala ang mga ideas ko.

Yung taong dapat kong idescribe ay mabait. Syempre sino ba naman sa mga kaklase ko ang hindi mabait? (Syempre alangan naman na sabihin ko di mabait mga kaklase ko, edi tinakwil ako haha). Ano pa ba? Classmate ko sya. Ayan ah, may clue na kayo. Nabawasan na ang listahan niyo ng mga taong posibleng maging protagonist ng blog na ito. Kung sasabihin nyo na idescribe ko naman ang physical features nya? Pag-iisipan ko muna ….  Hmmmm…. Ayoko nga edi wala na ding silbi ang sinulat kasi panigurado ang taong magbabasa nito hanggang dulo ay ang taong pinatutungkulan ko dito. Matalino sya, oo matalino sya. Medyo may pagkatamad nga lang. Medyo lang ah. Sabi ko naman matalino sya eh. Ako din naman tamad eh, kaya nga ginagawa ko ito ng ilang oras na lang bago ang deadline. Pag may klase kami medyo late din sya dadating. Medyo late lang ulit ah. Uulitin ko medyo late hahaha. Pero pumapasok pa din naman sya, baka ang motto nya ay “Better late than never”.  So, nahulaan mo na ba? hindi pa rin?  

Ok. Yung nabunot ko yung tipo ng tao na siguro sa una hindi mo sya maiintindihan sa una. Well, aamin na ko hindi ko sya nagets sa una. Pero ganun naman talaga ang tao diba? Tapos, hindi kami masyadong close, ngayon… medyo ok na kame. Magkaibang mundo? Baka? Pero parang pang lovestory yun diba? Pero ganun nga kame… para kaming nasa magkaibang mundo. Yung tipong langit sya lupa ako, pang stairway to heaven lang.  Nagkaclue na ba kayo?

Magkaiba ang mga gusto namin. Magkaiba ang mga ginagawa namin. Magkaiba kami. At magkaiba kami. Simple ako? Sya? Parang may something bonus, may kakaiba e. Teka? Wag nyong isipin na sobrang iba sya. Well, tignan nyo ko, isipin nyo yung kabaligtaran ng attitude ko at iba pang  bagay. Hindi sya mahilig kumain, well… ako? Tignan nyo na lang. Concern sya sa figure nya, ako? CHANGE TOPIC! Gusto nya sa English songs, yung mga tipong pang sosyal. Ako? Syempre pang kanto gusto ko. Sya girl na girl, ako? Naku, sasabihin nyo boy na boy noh. Opposite kasi kami, pero hindi naman umabot sa ganong punto. Basta MAGKAIBA KAMI.

Mahal ko kung sino ako. Tanggap ko kung ano ako. Pero kahit ganon may isang bagay sa kanya na gusto ko sana ganon din ako. Ano yun? Yung tiwala sa sarili. Kasi sya wala syang pakialam sa sasabihin ng iba. Gagawin nya ang lahat ng gusto nya. Susuotin nya lahat ng gusto nya. Sasabihin nya kung ano man ang maisip nya. Malaya sya. No doubts, no worries, no inhibitions. Wala, wala lahat. Yun ang kaisa isang bagay na kinaiinggitan ko sa kanya. Ang kaisa isang bagay na hinihiling ko na sana meron ako. Pag tinitingnan ko sya, nakikita ko ang matinding pagkakaiba nya sa lahat. Hindi lang ako ang naiinggit sa kanya marami kami. Kasi nagsasalita pa lang sya mapapanganga ka na. O kilala mo na? Yung ibang tao nga sa sobrang pagka-inggit dinadaan nila sa pagtingin sa kanya tuwing dumadaan sya. Sa pagsabi sa iba na kakaiba sya sa ibang tao. In short, sa pagtsismis sa kanya. Pero dahil wa epek sa kanya ang mga yun, namatay sila sa inggit. Hindi literal ah, kasi kung literal edi namatay na ang kalahati ng populasyon ng Unibersidad na ito. I’m not exaggerating, totoo yun.

Dahil sa kanya, lumalakas ang loob ko na ipakita kung sino talaga ako. Natuto akong wag matakot sa sasabihin ng iba. Paki ba nila, di naman ako nabubuhay dahil sa kanila. E mano naman kung di nila ako magustuhan mamamatay ba ako? Hindi naman e. Dahil sa kanya kaya ko naisip ang mga bagay na yan.  Naisip ko, kung kaya nya e di kaya ko din. Kaklase ko kaya sya. Anong konek? Ewan ko.

 Ayan, sana naman ngayon kilala nyo na kung sino ang tinutukoy ko. Kung hindi pa rin, manood ka ng harry potter, kaya nya ang baccnet ng mga tao dun. Manood ka ng American movie, yung accent ng Black American na babae? Sisiw sa kanya yun? Di pa rin, ALRIGHT, SO suko na ko. Ask someone who knew this person whom I describing. For sure afterwards masasabi nyo beym! Sya pala yun.


3 comments:

  1. beym! hahahhahaha tis soooo sweet girl :' > papaframe koto lelz. i really appreciate tis big time, truly. binasa ko ng ilang ulit *luha* lol love u.:)

    ReplyDelete
  2. uy wala tayong patunay na si wenvong ang blind item. hahahahha. beym!

    ReplyDelete