Friday, June 28, 2013

SHUPATEMBANG--
When you say shupatembang, you have to considerrrrrr…. 674,094 things! Hahahaha. Kiddin! Ang ibig sabihin non, KAPATID. Oo lahat tayo sa BAC4 magkakapatid, pero iba sya. Una ko syang nakita, sabi ko “Ay bigatin to’ (hindi sa katawan) Englishero kase!” Kaibigan nya yung kapitbahay namin, sabi sakin, eto kausapin mo magaling mag English, tumanggi ako, AYOKO nga! Tapos habang nagsasalita sya sa may AVR, nakatunganga lang ako. I was like, OMG! HAHAHAHA! Sorry natulala talaga ko sayo. Hindi ko akalain na magiging kaklase namin sya. Hanggang ayun, nakasama ko sya sa room, nagulat ako, ang kulit nya, bumibida sya, halos lahat kami nabentahan nya. Isa pang kinahanga ko sa tao na to, kaya nya makipagsabayan sa mga trip ko, trip ng lahat pero pagdating sa aral, may utak sya. (parang ako wala) siguro nga, ganon ko tignan sarili ko, kasi ako inaamin ko talaga pag hindi ko kaya. Minsan idadaan ko nalang sa tawa at biro, pero nag ttry ako. Hanga ako sa kanya, matalino at bibo sya. Madami syang alam na hindi ko alam, kinakausap nya ako ng English. Na iimbey ako nung una, pero alam ko sa sarili ako natututo ako sa kanya, hindi ako nahihiyang magtanong sakanya sa mga bagay na hindi ko alam, minsan tinatanong ko sakanya kung ano English ng salitang ganito, ganyan hindi ako nahihiya sabihin na hindi ko talaga alam. Hindi naman kasi ako impokrita at mapag panggap, pag hindi ko talaga alam sinasabi ko, at isa sya sa mga nasasabihan ko. Kakaiba sya, relihiyoso na sya ngayon, pero nandon pa din yung SYA dati, limitado na nga lang ngayon. Mahal ko sya, alam nya yun. Isang beses pa nga nagkachat kami sa FB sabi ko Imissyou, aba hindi sumagot. Haahahah. Imbey na naman ako, tapos sabi nya sakin mas maganda daw kasi pag personal. Napangiti ako. J Sorry kung hindi ako nag eenglish, mahirap kasi eh. -.- alam ko tong nabunot ko englishero pero naiintindihan naman nya siguro ako kung bakit ayoko mag English. Hahaha.
            Sya si Brando, maskulado at malaki ang boses. Ahit ang kilay at malakas manigarilyo, pero lahat ng to’ nagbago. Oo nalungkot ako nung una kasi hindi na nya ako inaaya bumaba para mag sigarilyo, wala na syang bisyo, pero naisip ko naman mas mapapabuti sya sa desisyon nya. Mataba sya, Oo? Haha. Kalbo? Ewaaaaan. Kayo na bahala humusga, sa totoo lang hindi ko alam pano gumawa ng blog. This is my first time na gumawa nito, at sya ang nabunot ko, hindi ko naisip na palitan kasi alam ko madadalian naman ako dahil kilala ko naman sya at kaya ko sya ma describe. Simpleng tao lang din sya, bumababa ng isay para kumain ng fishball at lumpia na favorite nya, isa sya sa mga nakakasama kong pumawi ng gutom na nararamdaman ko. pag nagsalita ako at nagjoke, alam ko isa sya sa mga tatawa, pero hindi lang sya tatawa hihirit din sya. Kilala nyo na ba sya? Sa dami ng sinabi ko na nag dedescribe sa kanya hindi nyo pa din alam? Hahahaha.
            Eto pa, sya ang magiting na kaaway ng registrar at finance! Oh? Gets nyo na? Matalino at matapang yata to, ipaglalaban nya pag alam nya tama sya, tulad dati walang aircon yung room namin sya ang naglakas loob na sabihin to sa finance, bilib ako sa kanya. Walang katulad. Malaki tiwala ko sa kanya, at katiwa tiwala naman talaga sya. Sa una lang hindi mo iisipin kasi sa mga taong katulad namin  na maiingay parang ang hirap magtiwala. Hahahaha. Ano pa ba? Enjoy din pala gumawa ng blog parang nagkkwento lang ako. Pag kakaiba namin, hindi naman yata sya pala away. Ako kasi aminado ako mabilis mag init ulo ko at talaga nakikipag away ako pag pamilya ko na ang damay, kahit kaibigan ko pa yan ipaglalaban at ipagtatanggol ko. Wala akong naiisip na delikado pag mahalaga ka sa akin, ganon ako, sya? Wala syang kwentang kaaway, pero alam mo sa sarili mo magsisisi ka pag sya kinalaban mo, bilib talaga ko sa tao na to. Alam ko na isa sya sa mag dadala sa akin sa tagumpay, isa sya sa mga aagapay sa akin, isa sya sa mga nagsasabing KAYA MO YAN! Isa sya sa may tiwala sa kung anong meron ako, ako kasi yung taong walang tiwala sa sarili, mag eenglish kahit minsan baluktot, tinatry ko para makasabay ako sa kanila, sya yung tatawanan ka pero tuturuan ka. Sya yung hindi ganon ka sweet pero ramdam mo na mahal ka, sya yung pagbabawalan ka pag medyo tagilid na ginagawa mo, at sympre Sya ang PARTNER ko. Madami nagsabi maganda naging tambalan namin dati, kasi nga parehas kami. Sya ang SHUPATEMBANG kis! Maingay at hihingalin ka pag kasama mo kami. Haba na nito, siguro madami lang talaga mga bagay na pwede sabihin tungkol sa kanya, kasi IBA sya, at sympre MAHAL ko sya. Sympre lahat kayo..
Sya ang SHUPATEMBANG ko. J

4 comments: