Sunday, June 30, 2013

Unang - una sa lahat, hindi ako nadaliang isulat ang lathalaing ito. Aba, sa tinagal tagal kong nagsusulat, ngayon lang yata dumugo ng sobra ang utak ko. As in sobrang hirap talaga. Mahirap pa lang ilarawan ang isang taong halos kabisado mo na ang ugali. Iyong taong kabisado mo na mga kilos at gawi. Iyong taong alam mo na ang mga magiging reaksiyon sa mga bagay-bagay. Iyong taong alam mo na ang mga gusto at ayaw. Iyong taong halos naririnig mo ang boses sa araw-araw. Sa isang bagay ko lang naman siya hindi masakyan at masundan, at iyon ay sa pag-iisip niya. Galing kasi ng way of thinking niya - UNIQUE.

Best friend ko nga po pala siya (kung alam niyo ang ibig sabihin ng best friend sa iba). Super close po kami nitong taong ito. Sa sobrang close nga namin natural na lang sa amin ang magbangayan. Ganon kasi kami magmahalan. Minsan may umbagan. Pero madalas siya nang-uumbag. Siya kasi iyong marahas. Swear. Subukan mo siyang tabihan at bugbog sarado ka. Pero kahit ganoon, lagi kaming magkatabi. Ewan ko ba. Hindi ko naman sana siya tinatabihan pero lagi yatang sinasadya ng tadhana na magtabi kami. O baka naman siya ang tumatabi sa akin? Gusto kaya niya ako? Ay wag na pala. Change topic. (Devil laugh!)

Kung tatanungin mo ko kung ano ang looks niya. Mabait siya. Mabait siya. Mabait siya. Teka, MABAIT SIYA. Huwag na kayong kumontra. For sure sasabihin niya, "Di pa ko ganoon ka level up! Nasa eveolution stage pa ako." Hindi ko alam ang eksaktong words, pero malamang ganyan iyan. Sabi ko nga sa'yo, UNIQUE siya. Kung gusto mo pa ng mas maraming clue, pumunta ka muna sa palengke at ibili mo kong kojic baka sakaling magsabi ako ng clue.

BOY SCOUT siya. OO SOBRA. Sa sobrang pagka-boyscout niya halos araw-araw niyang dala ang bahay niya. Minsan ako na yong nabibigatan sa bag niya. Tapos tatakbo pa yan pag may hinahabol. Take note ang kamay at daliri bago gayahin! FLIGHT MODE ang peg.
Pero ang patunay na boyscout yan? Try mong itanong sa nagtitinda ng payong sa palengke baka alam niya ang sagot. Ring a bell?

To be honest, IDOL ko siya. Sobrang galing niya kasing magpatawa. Effortless kaya lahat ng banat niya. To think seryoso pa siya sa mga sinasabi niya. Ilang beses na kong mahimatay-himatay sa kakatawa nang dahil sa mga banat niya. Out of this world? Oo, malamang nga!

Sa totoo lang, tuwing mapapatingin ako sa mukha niya napapadasal ako. Sabi ko, "Thank you po, Lord. Last na 'yan ha? Please lang."  Madalas din tuloy akong magdasal sa tuwing sinasabi niyang hahanap siya ng isang partner na opposite niya. "Good! Please lang, huwag ng isa pang kagaya mo." O kaya naman. "Kung may kagaya mo man, huwag ko na sanang makilala." 

Itong best friend kong ito? Madalas niya kong pagtaasan ng kilay. Likas kaya yon or hobby lang? Dumadalas na kasi. Nakakapagduda na. (Laughs!) Well, mula naman kasi noong dumating ako sa BAC after kong magstop ganon na siya. Wala naman yatang nagbago?

Anyways, alam kong todo taas na talaga ang kilay niya ngayon sa  mga sinasabi ko. For sure, naka-kulabi na rin siya ngayon with matching taas noo kahit kanino facial expression. At alam ko ring galit na iyan kasi late ang aking blind item tungkol sa kanya. Alam ko rin ang tumatakbo sa isip niya pero hindi ko na sasabihin. Wag na. "I'm trying to be nice here."

Pero kidding aside, natutuwa at humahanga ako sa kanya. I have always told everyone how much I adore this person's industriousness. I have seen a very responsible person in his individuality. (OO, IPINAGMAMALAKI KITA KAHIT HINDI MO ALAM.) I have also adore the man for his honesty. HE IS NEVER PLASTIC. Alam ng lahat yan. Kung ayaw niya, ayaw niya talaga at sasabihin niya yon without any hesitations. Siguro minsan sobra na. Pero at least hindi siya nagsisinungaling sa nararamdaman niya. (Ewan ko lang sa ibang bagay.)

Totoo, siguro at time masama ako sa kanya. Lagi ko kasi siyang pinagti-tripan. Lagi ko siyang inaasar at binabara kahit alam ko namang pikon siya at madaling magalit. Lagi ko siyang ginagawang katuwaan. Pero hindi niya siguro alam kung gaano siya kahalaga sa akin.

I know, a lot will doubt the next lines I will say but believe me when I say these.

***,


Alam mo ba? Natutuwa talaga ako sa isang gaya mo. Hindi mo alng siguro napapansin pero mahal kita bilang isang kaibigan. Sorry ha? Minsan talaga napagti-tripan kita. Ganon lang talaga ko, at alam ko namang alam mo iyan. At times, alam kong feeling mo left alone ka at pinagkakaisahan. But believe me when I say na MAHAL KA NG BAWAT ISA. Buksan mo lang ang isip mo sa mga sinasabi namin. Huwag ng masyadong OA minsan ha? Watch your words na rin kapatid. Basta, palagi mong tatandaan na may isang Ivo na pinipilit umunawa sa iyo; na may isang Ivo na iintindihin kang pilit kahit ano man ang magawa mo. Higit sa lahat, tatandaan mo palagi na may pamilya ka kapag kasama mo kami. Maniwala ka lang at magiging maayos ang lahat.


P.S.
I know you want to be friends with 3 eggs kaso nahihiya ka at feeling mo ayaw namin sa iyo. Alam kong iyan ang iniisip ng utak mo pero alam ko ring iba ang nadarama ng puso mo.
ILOVEYOU kapatid! :)

4 comments:

  1. no doubt, kapatid is Gil.. see? God really works in mysterious ways.. we may have done this initially as an assignment, pero look where we have gone so far..

    ReplyDelete
  2. :)) Good idea talaga to Ma'am! Galeng! :)

    ReplyDelete
  3. Di ko inakala na ganito ang magiging blind item sa akin...napaluha ako after reading this...Thank you for this! I'm so overwhelmed.

    ReplyDelete