Saturday, October 19, 2013

:)

Kung may narealize man ako ngayong araw na to, yun yung, If you are sad, NEVER go to a happy place, it'll only male you sadder.

Hindi ko alam kung san papunta tong blog na to o kung san mang lupalop lumilipad ang utak ko. Techology that empowers me, yan yung topic na dapat idinidiscuss ko. Ang layo diba. I cant see any connection between me and the topic, kaya siguro nahihirapam din ako.But I'll try.

I'm not a techie geek, not even a bit. I can go on with the day without computer or cellphone, I am more of books and stuffs like that.

But if there's one thing that I am very grateful about technology, its the fact that it can build and maintain relationship through communication.

I was a bit sad a while go, and I tried to blend in with the "happy people" in a "happy place". Funny, but I was sad during the entire time being alone and blending in. I tried but I failed.

And then I remember my friends back home. I texted some of them (thanks to TECHNOLOGY! maisingit lang) , crazy none-sense conversations, but I was happy, somehow enlightened. Hindi ko na pala kailangan lumayo para makangiti, text lang pala, mapapatawa na ko, loko naman kasi si Leeg, inuutusan kong may tawagan, ayaw niya daw at mahina pandinig niya. Wow.

I just want to make it clear that its not technology that empowers me, its the people on the other line, those that trust, love and cares for me. Technology is an advancement and medium at the same time but it will never be enough to empower one soul, for a man lives to have a relationship with God and with his fellowmen, everything that is in between are just add-ons.

Friday, August 30, 2013

Isa, dalawa, o kahit 'sangdosena pa ....

Libro? Hindi biro. Lahat ng kailangan mong malaman, lahat ng alaalala na ayaw mong makalimutan, dyan ang talaan. Eh pano nga ba gumawa ng isang magandang libro? Pano mo gagawing sobrang ganda ang obra mo para matandaan hindi lang ng iilang tao kundi pati buong mundo?
Ako? Hindi ako magaling sumulat o mahilig mag basa ng aklat, minsan lang, kapag nakita kong maganda naman at alam kong meron akong matututunan.
Pero kung gugustuhin kong gumawa ng sarili kong libro, at kung mabibigyan ako ng pagkakataong mailathalat ito,  aba, opportunity knocks only once, kahit hindi naman ako magaling, hindi naman siguro masama kung aking susubukin :)
Horror? takot ako pero malakas ang loob ko. Lalo na pag marami akong kasamang titili hanggang dulo. Bakit tayo natatakot sa dilim? Ano ba talaga ang nakakatakot? Yung dilim o yung mga bagay na hindi mo alam kasi hindi mo naman nakikita.
Love story? Lahat ba ng nasusulat sa libro tungkol sa pag-ibig ay totoo?
Tragic? Drama? Minsan hindi rin naman masamang isulat mo nalang lahat ng sakit na nararamdaman mo, malay mo naman umikot ang mundo, sa isang tuldok ng panulat mo, matatapos na lahat ng sakit sa puso mo at mailipat sa lathala mo. Naka-inspire ka pa ng ibang tao.

Eh ano nga ba? Ano bang magandang topic? Ang dami pa, apat lang 'yang nabanggit ko, hindi naman kasi talaga biro ang gumawa ng isang libro.
Siguro, tulad ng isang pag yabong ng magandang bulaklak, hindi mapipilit ang isang tao na mag-sulat, kusa itong lalabas, kusa itong mamumunga, kusa itong lalago.
Kaya habang pangarap pa lang sakin ang makapag sulat ng sarili kong libro, nanamnamin ko muna ang bawat araw ng punong -puno ng mga inspirasyon, ideya, impormasyon dito sa mundo.
Hindi mahalaga kung isa, dalawa, o 'sandosenang libro ang magawa ko, basta mapangiti ko lang ang bawat makakabasa nito, daig ko pa si Shakespeare, dakilang manunulat sa buong mundo.

Thursday, August 22, 2013

IDEYA LUMABAS KA!


Everybody wants to have great ideas, but have you ever wondered what an idea is? It is a thought or suggestion as to a possible course of action, a concept or mental impression. Yes, we all know what an idea is but the question is how do we make ideas? Honestly, hindi ko alam, wala akong idea kung paano gumawa ng idea haha..

Ako kasi kapag kailangan ng idea na pang matinuan talagang pinag iisipan ko pero kapag kalokohan wala ng isip isip kusa na lang lumalabas haha chos. Kung minsan naman ay nakakakuha ako ng mga ideya galing sa ibang tao, yung tipong kapag may narinig kang isang bagay may maiisip ka nalang bigla na kung ano man.

The best way to have a good idea is to have lots of ideas. Ang idea hindi tinatago yan, kung minsan kasi iniisip agad natin na panget kaya hindi natin sinasabi, pero ang kailangan ay ilabas mo ng ilabas kasi yung pinaka magandang idea ay nasa ilalim, kaya kung hindi mo ilalabas yung mga nakaharang never lalabas ang isang bonggang idea.

Minsan dapat kapag nakakaisip tayo ng idea dapat isinusulat, madalas kasi mangyari sakin na may naiisip akong magandang ideya pero maya maya lang nakalimutan ko na. Huwag din tayo maiinis kung minsan ay todo isip tayo ng idea ngunit walang lumalabas, yung ibang idea kasi nang gugulat yan bigla bigla na lang lumalabas out of nowhere.

Monday, August 19, 2013

SEE YOU SOON!






Naniniwala ako na wala namang tao ang ipinanganak na walang hiya, yun nga lang may mga tao na sadyang may taglay na kakapalan lang ng mukha.

Bakit ko to nasabi? Kasi there were times na I wish makapal na lang ang mukha ko. There were times that I wished I wasn’t like this. There were times I wished I am someone else. Take note ang TIMES,  meaning maraming beses. Sa sobrang dami di ko na mabilang. Before , everytime I wake up I wish something different will happen. Something na hindi ko na hihilingin pa na maging ibang tao. But everyday was a disappointment, I end up wishing I was in a different place and an entirely different person, just before I go to sleep. Wala kasi akong tiwala sa sarili ko. Feeling ko kulang pa ko, sa sobrang kulang ko, pakiramdam ko kahit anong gawin ko I will never be enough, I will not be the best. Kaya din nung nagsawa na ko I just chose to stay at the corner and maybe I thought stay there unnoticed till the end of my school days.

Before ko maramdaman yung feeling na yun, I was contented. I feel like I can do everything. I tried everything. I joined math contests, sumali ako sa buwan ng wika, I even joined choir in our church before, kasi nga akala ko maganda boses ko e haha.  I never doubted myself, kasi everyone believed in me, everyone supported me. Pero nung lumipat na kami ng place, everything started to change. That little girl, na puno ng tiwala sa sarili unti unting nawala. Maybe one of the reason she left ay dahil nabawasan yung support group nya, nawala sya sa comfort zone nya. Everything changed. Actually, before sinisisi ko ang elementary days that I have spend here. Kasi I wasn’t like this before we moved here. My elementary days were nightmare.

When I entered high school bago na si ako. Lahat na lang feeling ko di ko kaya. Lahat na lang, even writing on the board ayaw ko. Baka kasi maasar ako, yung mga ganong feeling. I thought that the people that surrounded during my high school days are similar to the person I have been with in elem. But I was wrong. They helped me get out of the corner I was hiding. They made me believe that there are things I can do. They trusted me, loved me and supported me. Kaya naman when I entered college, akala ko hindi na ko magi-improve pa, mali na naman ako. Kung nung high school ako natulungan nila ako para magawa ko yung mga bagay na gusto kong gawin kaya lang di ko magawa dahil nahihiya ako. Ang college friends ko? Hindi lang nila ako tinulungan, they forced me to do things. Ewan ko ba, nasobrahan naman sila ng tiwala sakin. Haha. But I am very thankful sa kanila. Without them sobrang mahiyain pa din siguro ako.

Through these experiences and those people, I learned that the best person I can be is just simply being me. Treasure my strengths, accept my weaknesses, and love my imperfections. I know I will always be a shy person, but now believing in myself. So that’s how I went from shy to less shy :)

PS:


Friends, thank you for leading me this far, thank you for helping me remember that little girl I was before. And to you little girl, see you soon :)

Saturday, August 17, 2013

Let's Make the Most Out of it....

Let's make the most of of it... Teka, naalala ko pa nong sinabi ko to bago mag-pasukan. "I want to make the most out of it." 4th year na ko e. Last year ko na sa BU. Huling taon ng pag-aaral. yes! PERO HINDI HULING TAON NG KASIYAHAN at KALOKOHAN kasama sila. Teka sinong sila? Sino pa e di yung mga mababait at maloloko kong mga kaklase! :)

Eto na naman ako. nagda-drama. Mag-isa kasi ko sa bahay. yaan niyo na. :)

Wala, naisip ko lang kasi yung sa annual natin. Lufet ng batch natin mga bebs at brads! LAHAT TAYO MAY ILALAGAY SA ILALIM NG PICTURE AT PANGALAN. :")
Isang buong blockna may mga narating at napatunayan sa Baliuag University. Sabi ko dati gusto kong gumawa tayo ng legacy. Eto na yun! :) Ang legasiya ng mga anak nina Nanang Tesa at Nana Ondeng. :))))
Nakakaproud. Nakakaproud. :) Just saying guys! :) Iloveyouall! :)


Pauline Castillo
ABComm
Assistant Secretary, BUTAG (2012-2013)
4th Year Representative, CASSC (2013-2014)

Rachel Elisha Levi Eugenio
ABComm
President, COMARTSOC (2013-2014)
Secretary, CASSC (2013-2014)
Secretary, BUTAG (2012-2013)

Ivory Evangelista
ABComm
President, BUSSC (2013-2014)
Secretary, BUENACTUS (2013-2014)
Vice President, COMARTSOC (2012-2013)
Secretary, CASSC (2012-2013)
Treasurer, BUTAG (2012-2013)

Chinggoy Futol
ABComm
Auditor, COMARTSOC  (2013-2014)
Treasurer, COMARTSOC (2012-2013)
Treasurer,  CASSC (2013-2014)

Shannen Ledesma
ABComm
Business Manager, CASSC (2013-2014)

Ma. Sophia Loterena
ABComm
Secretary, BUSSC  CASSC (2012-2013)
Assistant Treasurer, COMARTSOC (2012-2013)

Shaine Monique Ordonez
ABComm
Vice President,  COMARTSOC (2013-2014)

Wenvy Ann Salcedo
ABComm
4th Year Representative, COMARTSOC (2013-2014)
Sgt. @ Arms, BUTAG (2012-2013)

Gil Salvador
ABComm
Commisioner 1, BU-COMELEC (2013-2014)
Escort, CASSC (2012-2013)
PRO, BUSSC (2011-2012)

April Joy Santos
ABComm
President, BUTAG (2013-2014)
Vice President, BUTAG (2012-2013)

Khing Jerome Santos
Sgt. @ Arms, BUSSC (2013-2014)
4th Year Representative, CASSC (2012-2013)

Aga Fatrick Sta. Ana
ABComm
Vice President, CASSC (2013-2014)
President, BUTAG (2012-2013)

Lady Uni Tomas
ABComm
Treasurer, BUTAG (2013-2014)
Treasurer, CASSC (2013-2014)


Nakakaproud sobra! :) Di bale nang di ako agad nakagraduate. Kung di naman dahil sa paghinto ko, di ko makikilala ang mga tunay kong kaibigan. :))))

Someone has to say it.

August 17, 2013.

     Pauwi ako, nakasakay ako sa jeep. Nothing special, isang ordinaryong araw. Nakakatamad sa school, nakakatamad din sa bahay. As usual, nakapikit ako pag nasa jeep. Ewan ko ba, favorite place kong matulog (bukod sa kama) ang jeep, lalo na paguumaandar.

     Di pa umaalis yung jeep, naghihintay pa ng pasahero... binuksan ko yung bag ko, kinuha ko yung earphones, gusto ko magsoundtrip... kaso badtrip, naiwan ko yung ipod ko, kinuha ko phone ko dun ko sinaksak yung earphones.. kaso shunga, nagloloko nga pala si magaling... ang ginawa ko? kinabit ko padin earphones sa tenga ko, at pumikit. Feeling may pinapakinggan.. kaso di naman ako magaling na artista, tinago ko din ang phone at earphones ko.

     Umandar na yung jeep. Umandar na rin yung antok ko. Lamig. Sarap siguro matulog. Naghikab yung nasa kabilang row. Gumaya ko. Gumaya ang nasa harapan ko. Ayos, di ako nagiisa!

     Ayun, gumagalaw na yung jeep, antok na talaga ko, malapit na sa may Linmers yung jeep, tulala ako, nang napatingin ako sa may likod, may lalaki sumigaw, "ITABI NYO YUNG JEEP, EMERGENCY." Nagulat ako, nung una akala ko, ambulansya na may wangwang ang makikita ko...mali, tricycle ang bumungad sakin, sa loob may isang babae, naka-orange, tas sa lap nya, may ulo ng bata... nakahiga siguro yung bata, sumigaw sya... "PAKITABI YUNG JEEP, EMERGENCY LANG".

     Binaling ko yung ulo ko, nagsalita ako... "Kuya, pakitabi daw po yung jeep, emergency daw po."

     Binalik ko agad yung tingin ko sa babae at sa bata sa tricycle. Gumilid yung jeep, nakadaan yung tricycle at humarurot. Nung wala na sila sa paningin ko, dun ko na lang napansin na tumutulo na pala yung luha ko, umiiyak na pala ko.

     Tfaffjfgagreaglr. (Sorry. expression ko yan pag di ko na alam dapat sabihin.)

     Bakit ako naiyak? Naalala ko yung kaibigan ko, inatake sya nang tulog sya.. sinakay sya sa tricycle papunta sa ospital...

Someone has to say it. Someone has to say it. Someone has to say it......

     If we can do something to spare someone's life, DO IT... someone's sadness, pain, ache, suffering and loneliness, DO IT.


     Siguro superficial to tignan para sa iba... minsan sasabihin naten, "Why should I do so?", "Why should I care?"

     I'm going to tell you one simple reason why we should offer a helping hand to others (even to strangers)... because who knows, someday, tayo naman yung mangailangan.

     Hindi kasi natin masasabi kung ano yung laman ng bukas para sa lahat. Wala tayo ideya. Wala tayong alam.

     For all I know, he was alive and kicking the night I was with him, I bid goodbye, expecting to see him the next day, nakalimutan ko nga mag "I love you", medyo pagod na kasi ako... and guess what? nung nakita ko sya the next day, nakapikit na sya, nakahiga... sa kabaong.

SOMEONE HAS TO SAY IT. SOMEONE HAS TO SAY IT. SOMEONE HAS TO SAY IT...

     Never reserve for tomorrow. If you have to do something, if you have to tell something to someone, DO IT... do it NOW.




P.S.
This one's for you Brother. Just so you know, I miss you so much and I love you. 'Till we meet again... 'till we meet again. I love you.

Thursday, August 15, 2013

My Mother is on Facebook

                Facebook, sino pa nga ba ang hindi nakakaalam nito? Bata, matanda, lola at lola mayroon na nito. One of the million facebook users ay ang mama ko. Profile check, 52 years old, mother of 4, lola of 3 and a widow.
                The first time my mom saw facebook sabi nya, ano naman napapala diyan?, ayaw ko niyan mahirap pag aralan, aksaya lang yan sa oras. Pero masyado akong makulit ginawan ko siya ng facebook account then pina try ko sa kanya, nung una ayaw niya talaga pero sabi ko sakanya masaya yan madami games saka pwede niyo Makita yung mga old friends niyo. At iyon na nga nakumbinsi ko na siya yehey, tinuruan ko siya ng mga ilang araw pgkatapos ay natutunan din niya ito.
                One day pag uwi ko galing sa school ay hinahanap ko si mama dahil may tatanong ako , hindi ko siya makita kahit saang sulok ng bahay, sa kwarto, sa banyo, sa sala, sa kusina wala talaga. Nasaan na ang mama ko? Ayun nasa computer shop pala haha. Pag uwi niya ay tuwang tuwa at todo kwento, naka chat daw niya yung dati niyang kaklase saka yung dati niyang katrabaho at madami na din daw siyang friends. Simula nuon palagi na niyang pinapaloadan yung broadband namin, abay mas madalas pa ata siyang online kaysa sakin. Kung minsan ay magugulat nalang ako pag pasok ko sa school sasalubungin ako ng kaklase ko at sasabihin “ui uni nag comment sakin mama mo” “uni ka chat ko mama mo kagabi” ayun inaabot si mama ng madaling araw na online sa facebook.
                Dumating yung time na nagkaka head ache na siya, nahihi blood at nagkakasakit na dahil sa facebook. Simula nuon ay ay madalang na siya mag facebook, kapag importante nalang saka niya pinapaloadan yung broadband. Well, lahat naman ata talaga ng sobra ay nakakasama. Hindi ko din naman masisisi si mama sa pag ffacebook niya kasi buong buhay niya ay kami lang ang inaasikaso niya syempre kailangan din niyang mag libang kahit paminsan, explore ang life, at imeet yung old friends niya. Good thing I’m so proud about her ay yung kahit na addict siya nuon sa facebook ay hindi pa din niya kami napapabayaan. Isa iyon sa milyon milyong dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya.