Pauwi ako, nakasakay ako sa jeep. Nothing special, isang ordinaryong araw. Nakakatamad sa school, nakakatamad din sa bahay. As usual, nakapikit ako pag nasa jeep. Ewan ko ba, favorite place kong matulog (bukod sa kama) ang jeep, lalo na paguumaandar.
Di pa umaalis yung jeep, naghihintay pa ng pasahero... binuksan ko yung bag ko, kinuha ko yung earphones, gusto ko magsoundtrip... kaso badtrip, naiwan ko yung ipod ko, kinuha ko phone ko dun ko sinaksak yung earphones.. kaso shunga, nagloloko nga pala si magaling... ang ginawa ko? kinabit ko padin earphones sa tenga ko, at pumikit. Feeling may pinapakinggan.. kaso di naman ako magaling na artista, tinago ko din ang phone at earphones ko.
Umandar na yung jeep. Umandar na rin yung antok ko. Lamig. Sarap siguro matulog. Naghikab yung nasa kabilang row. Gumaya ko. Gumaya ang nasa harapan ko. Ayos, di ako nagiisa!
Ayun, gumagalaw na yung jeep, antok na talaga ko, malapit na sa may Linmers yung jeep, tulala ako, nang napatingin ako sa may likod, may lalaki sumigaw, "ITABI NYO YUNG JEEP, EMERGENCY." Nagulat ako, nung una akala ko, ambulansya na may wangwang ang makikita ko...mali, tricycle ang bumungad sakin, sa loob may isang babae, naka-orange, tas sa lap nya, may ulo ng bata... nakahiga siguro yung bata, sumigaw sya... "PAKITABI YUNG JEEP, EMERGENCY LANG".
Binaling ko yung ulo ko, nagsalita ako... "Kuya, pakitabi daw po yung jeep, emergency daw po."
Binalik ko agad yung tingin ko sa babae at sa bata sa tricycle. Gumilid yung jeep, nakadaan yung tricycle at humarurot. Nung wala na sila sa paningin ko, dun ko na lang napansin na tumutulo na pala yung luha ko, umiiyak na pala ko.
Tfaffjfgagreaglr. (Sorry. expression ko yan pag di ko na alam dapat sabihin.)
Bakit ako naiyak? Naalala ko yung kaibigan ko, inatake sya nang tulog sya.. sinakay sya sa tricycle papunta sa ospital...
Someone has to say it. Someone has to say it. Someone has to say it......
If we can do something to spare someone's life, DO IT... someone's sadness, pain, ache, suffering and loneliness, DO IT.
Siguro superficial to tignan para sa iba... minsan sasabihin naten, "Why should I do so?", "Why should I care?"
I'm going to tell you one simple reason why we should offer a helping hand to others (even to strangers)... because who knows, someday, tayo naman yung mangailangan.
Hindi kasi natin masasabi kung ano yung laman ng bukas para sa lahat. Wala tayo ideya. Wala tayong alam.
For all I know, he was alive and kicking the night I was with him, I bid goodbye, expecting to see him the next day, nakalimutan ko nga mag "I love you", medyo pagod na kasi ako... and guess what? nung nakita ko sya the next day, nakapikit na sya, nakahiga... sa kabaong.
SOMEONE HAS TO SAY IT. SOMEONE HAS TO SAY IT. SOMEONE HAS TO SAY IT...
Never reserve for tomorrow. If you have to do something, if you have to tell something to someone, DO IT... do it NOW.
P.S.
This one's for you Brother. Just so you know, I miss you so much and I love you. 'Till we meet again... 'till we meet again. I love you.
YES! IT'S A BIG YES! SOMEBODY HAS TO SAY IT BAGO MAHULI ANG LAHAT!
ReplyDelete