Thursday, August 15, 2013

My Mother is on Facebook

                Facebook, sino pa nga ba ang hindi nakakaalam nito? Bata, matanda, lola at lola mayroon na nito. One of the million facebook users ay ang mama ko. Profile check, 52 years old, mother of 4, lola of 3 and a widow.
                The first time my mom saw facebook sabi nya, ano naman napapala diyan?, ayaw ko niyan mahirap pag aralan, aksaya lang yan sa oras. Pero masyado akong makulit ginawan ko siya ng facebook account then pina try ko sa kanya, nung una ayaw niya talaga pero sabi ko sakanya masaya yan madami games saka pwede niyo Makita yung mga old friends niyo. At iyon na nga nakumbinsi ko na siya yehey, tinuruan ko siya ng mga ilang araw pgkatapos ay natutunan din niya ito.
                One day pag uwi ko galing sa school ay hinahanap ko si mama dahil may tatanong ako , hindi ko siya makita kahit saang sulok ng bahay, sa kwarto, sa banyo, sa sala, sa kusina wala talaga. Nasaan na ang mama ko? Ayun nasa computer shop pala haha. Pag uwi niya ay tuwang tuwa at todo kwento, naka chat daw niya yung dati niyang kaklase saka yung dati niyang katrabaho at madami na din daw siyang friends. Simula nuon palagi na niyang pinapaloadan yung broadband namin, abay mas madalas pa ata siyang online kaysa sakin. Kung minsan ay magugulat nalang ako pag pasok ko sa school sasalubungin ako ng kaklase ko at sasabihin “ui uni nag comment sakin mama mo” “uni ka chat ko mama mo kagabi” ayun inaabot si mama ng madaling araw na online sa facebook.
                Dumating yung time na nagkaka head ache na siya, nahihi blood at nagkakasakit na dahil sa facebook. Simula nuon ay ay madalang na siya mag facebook, kapag importante nalang saka niya pinapaloadan yung broadband. Well, lahat naman ata talaga ng sobra ay nakakasama. Hindi ko din naman masisisi si mama sa pag ffacebook niya kasi buong buhay niya ay kami lang ang inaasikaso niya syempre kailangan din niyang mag libang kahit paminsan, explore ang life, at imeet yung old friends niya. Good thing I’m so proud about her ay yung kahit na addict siya nuon sa facebook ay hindi pa din niya kami napapabayaan. Isa iyon sa milyon milyong dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya.

               

1 comment:

  1. How lucky is your mother- Tita Fortune to be able to learn how to use and manage her own Facebook Account =) Brilliant idea, I must say!

    ReplyDelete