Libro? Hindi biro. Lahat ng kailangan mong malaman, lahat ng alaalala na ayaw mong makalimutan, dyan ang talaan. Eh pano nga ba gumawa ng isang magandang libro? Pano mo gagawing sobrang ganda ang obra mo para matandaan hindi lang ng iilang tao kundi pati buong mundo?
Ako? Hindi ako magaling sumulat o mahilig mag basa ng aklat, minsan lang, kapag nakita kong maganda naman at alam kong meron akong matututunan.
Pero kung gugustuhin kong gumawa ng sarili kong libro, at kung mabibigyan ako ng pagkakataong mailathalat ito, aba, opportunity knocks only once, kahit hindi naman ako magaling, hindi naman siguro masama kung aking susubukin :)
Horror? takot ako pero malakas ang loob ko. Lalo na pag marami akong kasamang titili hanggang dulo. Bakit tayo natatakot sa dilim? Ano ba talaga ang nakakatakot? Yung dilim o yung mga bagay na hindi mo alam kasi hindi mo naman nakikita.
Love story? Lahat ba ng nasusulat sa libro tungkol sa pag-ibig ay totoo?
Tragic? Drama? Minsan hindi rin naman masamang isulat mo nalang lahat ng sakit na nararamdaman mo, malay mo naman umikot ang mundo, sa isang tuldok ng panulat mo, matatapos na lahat ng sakit sa puso mo at mailipat sa lathala mo. Naka-inspire ka pa ng ibang tao.
Eh ano nga ba? Ano bang magandang topic? Ang dami pa, apat lang 'yang nabanggit ko, hindi naman kasi talaga biro ang gumawa ng isang libro.
Siguro, tulad ng isang pag yabong ng magandang bulaklak, hindi mapipilit ang isang tao na mag-sulat, kusa itong lalabas, kusa itong mamumunga, kusa itong lalago.
Kaya habang pangarap pa lang sakin ang makapag sulat ng sarili kong libro, nanamnamin ko muna ang bawat araw ng punong -puno ng mga inspirasyon, ideya, impormasyon dito sa mundo.
Hindi mahalaga kung isa, dalawa, o 'sandosenang libro ang magawa ko, basta mapangiti ko lang ang bawat makakabasa nito, daig ko pa si Shakespeare, dakilang manunulat sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment