This is a group blog written by students from Bachelor of Arts in Communication in Baliuag University.
Monday, July 1, 2013
UBA-UBA! :D
"Sabihin mo kung yan ang alam mo!"
Hahaha.
Sobrang natatawa talaga ako pag ikaw na nagsabi ng line na yan. Hindi ko alam, pero iba talaga pag ikaw na nag-deliver. Haha! So pano? Parang umpisa pa lang yata ang naisusulat ko alam niyo na kung sino to. Nung una ayoko talaga kita mabunot, pero wala akong choice my God for the second time ikaw pa rin nakuha ko. Ayoko nga kasi sayo. Ayaw kita mabunot. Dahil alam ko aabutin siguro ako ng 94 pages pag kaw ang isinulat ko. Grabe ang dami dami dami ko kasi pwede sabihin sayo at baka nobela ang magawa ko.
Grabe! Grabe talaga. De ikaw na may 65, 000 plus and counting followers sa Facebok! Ganda mo eh. Haha. pero too, real talk tayo aminin na natin na maganda talaga siya. Pero hindi naman ako papayag na mas maganda ka sakin. Eh dahil friend nman kita, sige na nga pantay na lang tayong dalawa. Ayaw pa niyaaan. O hayaan mo na. So yun nga, going back to what I'm sayin, maganda siya, hindi lang maganda super cute pa. Uy sobra na! :) Ang cute cute ng chubby cheeks niya lalo na pag tumaawa siya. Ang sarap mo kasama, pero sige na aminin na natin kahit minsan kuripot ka. (Minsan lang naman! Haha) Wag ka na magalit sakin, (True friend akis. alam mo yan! Haha)
Ayan ganyan yan, kinukulit ako lagi. "Vev gumawa ka na ba ng ano?". "Vev nakapag-pass ka na ba?". "Vev!". "Vev!". "Vev!" Hahahaha. Siya lang lagi ang tagapag paalala ko ng mga kailangan gawin sa school. Napaka concern sa lahat ng bagay. Inuuna pa yung ibang tao kesa sa sarili niya. Jusko, mano bang unahin muna yung sarili niya. See? That's so sweet of her. Kaya napaka daming kaibigan nung babaita na yan. Kahit saan kami magpunta may kakilala. Kahit saan kami maglakad may katanguan. Minsan nga magugulat ka na lang wala ka na pala kasama at ayun naiwan na, nakikipagusap na pala sa nakasalubong niya. Iba ka talaga! Haha
Pero ito talaga pinaka malupet. Ito talaga nagdala. Yung video na inupload niya sa Facebook na humakot ng libu-libong likes. Sino pa ba ang hindi nakakapanuod nun? Napaka swerte ko naman talaga at naging friend ko siya. Pinagmamalaki ko sa ibang tao na "Vev ko yan!" Hahaha. Next time sama mo naman ako sa next video mo, kahit dumaan lang ako sa likod mo masaya na ko. Hahaha...
De joke lang! Pero totoo, di nga one time pag may chance sama mo naman ako. Wahahaha
Di ko alam kung pano tatapusin to, pero sana maging masaya ka pag nabasa mo na 'tong sinulat ko. <3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice one shan :))
ReplyDelete