Just When
I Thought I’m Done (Part 1)
Sa totoo
lang hindi ko alam kung paano ko to sisimulan. Medyo mahirap na naman yata tong
natapat sakin. Haay bahala na nga…
Paano mo
nga ba masasabing, “Tama na. Tigil na. Hanggang diyan ka na lang”? Paano mo nga
ba masasabing nareach mo na ang limitasyon ng makakaya mo – ang hangganan mo?
Kailan ka ba dapat sumuko? Kailan ba ang tamang panahon para itigil na ang
lahat?
Heto na
naman ako. Paulit-ulit sinesermunan yong sarili ko sa utak ko. Paulit-ulit kong
sinasabi sa sarili kong, “TAMA NA! WALA NA. HINDI NA MAIBABALIK PA.”
Paulit-ulit ko ring sinasabi na nakamove-on na ko. But at the end of the day,
paulit-ulit ko ring nare-realize na meron pa.. may kurot pa. After almost 8
months, MAY TAMA PA.
A few
months ago bago pa man ako tumakbong SSC President, nasabi ko na sasarili kong NAKAMOVE-ON NA KO. Ilang beses ko na ng
aba yong nasabi? Countless times na yata – OO, DI KO NA MABILANG. Halos lahat
na rin yata ng tao sa paligid ko napaniwala kong hindi na ko nasasaktan; na hindi
na ko apektado sa kung ano man ang meron sa kanya ngayon. Just when I thought
I’m done loving him, saka naman nag-message sakin yong kapatid niya through
facebook.
“Ate,
hindi na niya katabi yong bolang bigay mo. Inalis na niya sa kama niya. Pero
don’t worry kami na ang magtatago.”
-Patrick
Hindi ko
alam pero bigla na lang unti-unting tumulo yong luha ko. Lahat ng mga sinabi ko
tungkol sa pagmo-move-on nakalimutan ko bigla. Parang gumuho yong mundo ko.
Gumuho na naman ng dahil sa kanya… Palagi na lang dahil sa kanya… Ang sakit…
Tae ang sakit talaga… Yong bolang lagi niyang yakap at tabi sa higaan inalis na
niya. Yong bolang bigay ko sa kanya nong hindi pa siya pwedeng magbasketball
tinalikuran na niya. Yong bolang may nakasulat na, “I LOVE YOU HON. YOU WILL
ALWAYS BE THE ONE I WILL LOVE FOREVER” ayaw na niya. Kahit alam kong tama lang
yong naging desisyon kong makipagbreak sa kanya dati, bakit ba ang pakiramdam
ko mali yon? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Bakit ba apektado pa rin ako sa
kanya? Kainis.
May
girlfriend na siya ngayon. Sabi ko dati, “Oh ano naman?” Pero I just realized,
ilang buwan din pala kong nag-stalk sa facebook ni girl dahil binlock ako ni
ex. Nakakatawa. I became a stalker because of him. The things I learned from
being a stalker?
Una,
naging varsity player na siya ng basketball sa school nila.
Pangalawa,
nagkatrabaho na siya. Working student.
Pangatlo,
gumraduate na siya.
Pati mga
outings at bakasyon nila with her new GF alam na alam ko. Lahat halos alam ko.
Galing nu?
Haay.
TANGA KO TALAGA! SINASAKTAN KO LANG SARILI KO.
Haay… Gustong
gusto kong malaman ang kundisyon niya. Gustong gusto ko siyang alagaan. Gusto
ko pa ring iparamdam sa kanya na mahalaga pa rin siya sakin. BUT IT WILL NEVER
EVER HAPPEN AGAIN. WALA E. WALA NA.
Opo. I admit.
I’m not yet over him. Hindi pa rin pala. Kumbaga sa kanin sa plato may
masisimot ka pang mumo.
I'm waiting for the part 2.
ReplyDelete