When I feel frustrated…
FRUSTRATED
— defeated, disappointed
FRUSTRATION — defeat or disappointment…
FRUSTRATED
ka dahil hindi mo nakuha ‘yong gusto mo. FRUSTRATED
ka dahil hindi napunta sa’yo ‘yong pinaghirapan mo. FRUSTRATED ka dahil hindi mo nailabas ang nararamdaman mo. FRUSTRATED ka dahil hindi mo mailabas
ang galit mo sa isang tao. FRUSTRATED
ka dahil sinarili mo lang! At dahil FRUSTRATED
ka, nagagalit ka. At dahil FRUSTRATED
ka, dinaig pa ng bibig mo ang armalite sa pagratsada. Na minsan kahit ang bagay
o tao na walang kinalaman sa’yo, nadadamay. At ang pinakamalala, minsan sa
sobrang FRUSTRATION na nararamdaman
mo, nagaGALIT ka na nga, para ka
pang BALIW dahil kung anu-ano ang
ginagawa mo.
AT DAHIL SA SALITANG
‘YAN, NAGDADALAWANG-ISIP NA AKO KUNG ITUTULOY KO PA BA ANG BLOG NA’TO O
MANANAHIMIK NA LANG AKO!!! Kasi naman bakit hindi agad pumasok sa isip ko noong
kinuha ko ang topic na ito na ang dami ko palang maipapaalam na mga bagay na
never ko ring sinabi kahit kanino? Pero dahil narito na ‘to, fine, magsasalita
na ako kaysa dumagdag pa ito sa napakarami kong FRUSTRATION sa buhay. Iyong
unang paragraph, ‘wag ka ng magtaka na naisulat ko iyan dahil unang-una ako ang
gumawa nito at pangalawa, SARILI KO ang tinutukoy ko d’yan.
Paano ko ba ‘to
sisimulan nang hindi naman n’yo agad masabing baliw nga ang nagsulat nito?
I hate the feeling of
being frustrated dahil nag-iiba ako. Pero anong magagawa ko kung may mga bagay
na wala akong control na siyang nagiging reason para ma-frustrate ako. I hate
the feeling of being frustrated because I became weak. Weak because I cried…
and that’s my initial reaction when I feel frustrated. Iyon naman talaga ang
unang reaksyon, di ba? Nakaka-frustrate kapag hindi ko nakuha iyong bagay na
gustung-gusto ko at iyong bagay na alam kong pinaghirapan ko pero napunta sa
iba (hindi ko na masyadong ie-elaborate kasi hahaba ‘to masyado…) at umiiyak na
lang ako para ilabas lahat ng sama ng loob dahil sa bagay na iyon. Natural lang
na umiyak ang isang tao pero minsan talaga iniisip ko rin na ang hina ko namang
tao kung sa isang bagay tutulo na lang luha ko. Pero ano rin naman ang magagawa
kung wala naman akong control sa pagluha ng mata ko? Napu-frustrate naman
talaga ang isang tao sa mga bagay na walang kontrol.
Ang isa pa, ‘pag
napu-frustrate ako, nagdadabog ako TO THE MAX. Sa pagdadabog ko ibinubuhos ang
frustration ko. For sure talaga, kung sinuman ang makakakita sa’kin sa gano’ng
pagkakataon, sasabihin nila parang hindi si Pauline ‘yon. Nagdadabog at minsan
pa, nagsisira ako ng gamit. Hahaha! Promise! Ang dami ko ng nasira na gamit ko
at gamit ng Ate ko. Nag-aaway na nga kami dahil do’n minsan. At siguro hindi ka
maniniwala na sa away na ‘yon naitulak ko ang Ate ko at na-shoot siya sa kanal.
Kahit itanong n’yo pa sa kanya. At dahil lang ‘yan sa frustration dahil may
hindi ako nagawa at nakuha that time.
At minsan, idinadaan ko
talaga sa galit ang lahat ng frustration ko. Feeling ko kasi, ‘pag galit lang
ako, do’n ko nailalabas lahat ng gusto kong ilabas at lahat ng gusto kong
sabihin. Pero never akong nagalit sa isang tao dahil lang sa frustration ko sa
sarili ko. Kaya lang nangyayari na nagkakagalit kami ni Ate ay dahil sinabayan
n’ya ako. Iyong tipong alam niyang galit ako, sasabayan pa niya ng pangungulit
at pang-aasar. (kapag tahimik na ako at nakakunot ang noo, ‘wag mo muna akong
kausapin dahil sign ‘yon na malapit na akong magalit) Ibang tao na po ako ‘pag
sobra na ang galit ako. Buti na lang, hindi n’yo pa ako nakikitang magalit ng
sobra. At iyon din ang pinakaiiwasan ko. Kaya kong sabihin ang hindi dapat
sabihin na nasasabi ng isang tao ‘pag galit sila. Aside from that, hindi po ako
madaling makalimot. Masasabi kong napatawad ko na ang isang tao pero iyong
ginawa niya, HINDI KO NAKAKALIMUTAN. Meron pa pong isang tao na hanggang ngayon
hindi ko kinakausap dahil nagalit ako sa kanya 2 years ago. Yes, ganyan po ako
katindi. J
J
J
Sobrang daldal ko rin
kapag frustrated ako. Salita ako ng salita. Lahat ng gusto kong sabihin,
sinasabi ko. BUT, hindi ko pa nagagawa sa school iyong gano’n. Kailangan kasing
magpigil dahil alam kong makakasakit ako. BUT, kung nasa bahay ako. Ay naku!
Ihanda mo ang tenga mo dahil hindi ako tumitigil at hindi ako titigil hangga’t
hindi pa ako tapos. At least sa bahay namin, kaya akong i-pacify ni Mama.
Hehehe!!!
At hindi ka rin siguro
maniniwala na sometimes I hurt myself when I feeling so down… when I feel
frustrated… Yes, nagagawa ko ‘yon (sabi ko sa inyo, nababaliw ako ‘pag
frustrated ako, eh, J J J).
Nagkapasa ako dahil nasuntok ko ang pader, nasasabunutan ko ang sarili ko...
Minsan talaga magagawa mo ang bagay na akala mo hindi mo magagawa dahil nga may
nararamdaman ka deep inside. Minsan nasasabi ko pa sa sarili ko na “Ang tanga mo, Pau, simpleng bagay lang
hindi mo magawa… hindi mo makuha.” I’m sure, nasasabi mo rin iyan sa sarili
mo.
‘Pag nabasa mo ito, at
least, alam mo na ang Pau na kilala mo ay hindi pa pala ang totoong Pau
pagtalikod mo. Dahil ang totoong PAU ay may ABNORMAL side din pala! (Hey! ‘Wag
kang tumawa dahil ikaw din sa sarili mo may ka-ABNORMALan din J).
Hindi po ako “plastic” na tao, totoo
po ako, NAGKOKONTROL lang. Nagkokontrol dahil marami po akong nagagawa ‘pag
frustrated ako. Yes, I am a different person when I feel frustrated.
Definitely, the way you see me right now is different when you see me down…
when you see me frustrated.
No comments:
Post a Comment