Thursday, August 15, 2013

The Story of my LIFE :)

Ever since I was a child, self proclaimed TV addict ako. I can do multitasking as long as may TV sa harap ko. I eat in front of the television, I make assignments in front of the TV, I review in front of the TV, and practically whatever I do laging may TV. But never sumagi sa isip ko ang pagiging producer.
Siguro kung isa akong TV producer, I would produce a show entitled “the story of my life”. Makasarili ba? Haha. Oo, seryoso ipoproduce ko yung istorya ng buhay ko. Hindi para sumikat ako wah. Hindi ko rin naisip yan dahil masyadong madrama o maaksyon ang buhay ko. At lalong hindi ko naisip yan dahil tinanong ko si pau at si oneng, hindi! Wala kayong patunay haha.
I will produce the story of my life to show to the world how wonderful are the people that surrounds me. Kung gano katyaga, kapasyensyosa at kaingay ang nanay ko :). Kung gaano kasipag, maparaan at kadaldal ang tatay ko. Kung gaano kadaldal, kaingay at kamaalalahanin ang kapatid ko (chos) haha. Gusto ko din malaman ng maraming tao kung gaano ko kaswerte hindi lang sa pamilya kundi din sa mga friends ko. Si Ivory? Yan yung tao na sobrang daldal, parang laging may nakapasak na mega phone sa bunganga at sobrang iyakin. Si Pau na masipag mag-aral, yung tipo ng taong akala mo matino may kalokohan din naman sa katawan. Si Oneng? No comment haha. Joke lang, si Atty. Oneng? Matalino yan sa kalokohan lang ginagamit haha. Labyu bebst. Si Tsel? Isang babaeng marunong kumanta. Marunong ah, hindi magaling haha pero pag nagipit ka dyan mo maasahan. Si khing? Wala magaling yan, sobra. Si chi? Mabait yan tamad nga lang. Si Shan? Maganda yan, may sapak lang minsan haha. Si te Pie? Laging nawawala pero super maalalahanin. Si Wenvy? Super sa English, pero super independent din. Si Kuya Fat? Isa sa pinaka matalinong taong nakilala ko, di lang sa academics pati sa sales. Si Shaine? isa sa pinakamatapang na babaeng nakilala ko, pero isa din sa pinaka vulnerable. Si Gil, sinabi ko man na pinaka nakakairitang taong nakilala ko pero sya din yung isa sa mga taong di ko malilimutan.

Sila, sila yung reason kung bakit ako si april. They are the ones who made me who I am today. I will produce the story of my life not me as the main character. They are the main characters, supporting lang ako, parang ako lang yung insighting incident sa program na yun. Without them I have nothing to produce. They made my LIFE :)

3 comments: