Friday, August 2, 2013


"Letting Go"


     This is one of several phrases na masasabi ko na kayang tumagos sa puso ko hanggang sa kaluluwa, in the sense that this is the thing that I really want to learn and to be done before my last hour, minute, or second comes.

    Napuno kase ang aking kalooban at buong pagkatao for the past years ng maraming element ng paghihiganti which I realized this coming school year lang na mali pala at walang idudulot sa akin na mabuti kung patuloy ko pa rin ito panghahawakan at dito na nga pumapasok ang mga salitang Letting Go.

     Hindi pala maganda na nagtatanim ng sama ng loob sa isang tao, isang malaking "NO" pala iyon. They were things pala na kahit masakit at mahirap tanggapin na nagawa iyon sa iyo, ay kusa palang maghihilom at gagaling, kelangan mo lang pala maging mag-isip ng masasayang bagay, at maging kontento sa buhay mo upang matutunan mong limutin ang mga bagay at pangyayaring iyon.

        Alam ko sa aking sarili na hindi pa ako umaabot sa 100% na completion ng paglet-go sa mga iyon, kaya nga madalas pakiramdam ng iba kong mga kaklase ay bad mood ako lagi which is true for many days, ako din di ko maintindihan kung bakit madalas mangyare iyon, and naisep ko papaano ako makakapag-let go ng talgang buo kung meron mga pangyayare katulad na lang ng pagiging Commissioner ko sa BUSSC COMELEC 2013 ay binabatikos at pinapalala ang mga sitwsyong di ko naman ginawa ng mga taong hindi ko maiintindihan kung inggit ba sila gayung may mga kanya kanya naman silang organization and hindi na nga ako nagpakita ng motibo na gusto kong maging officer sa mga orgs na kinabibilangan nila ngayon, bakit kelangan ipamukha sa akin na "ano position mo ngayon", sabi ba naman. Eh ako naman ang bilis kong magalet alam naman nila iyon for 3 years going 4 na pagsasama namen.

     Actually natutuwa nga ako sa pagkakapanalo ng karamihan sa partidong aking pinangalingan, pero hindi ko na kelangan tumalon at magsisigaw sa harap pa nila para lang masabe kong masaya ako sa kanila. Sapat na nandoon ako sa oras ng bilangan sinisigurado na walang dayaang mangyayare, Oo naging mahigpit ako during that past days but iyon ang kelangan para mas lalo pang madagdagan ang sense of discipline ng mga future student council officers that time.

     Hindi ba nila makita na hinihiwalay ko noong mga araw na iyon ang pagiging mga magkakaklase namen upang magawa ko ng maayos ang aking tungkulin noon, mahirap kase para sa part ko ang maakusahan na yang Commissioner na yan panig sa kabila, iyon lang naman ang bagay na aking iniiwasang mangyare. Kung sila man siguro ang nasa lugar ko noon, ano kaya ang gagawin nila kasi sa akin lang naman I don't want na lumala pa ito.

     Sige nga ngayon nyo sabihen sa harapan ko if paano ko magagawang mag-let go, sunugen ang mga nakaraan at ibaon sa limot ang katulad ng ninanais ninyong lahat sa akin noon kung ganyan ang pakikitungo nyo na  naman sa akin, alam ko hindi aq magandang tumingen pero it does'nt mean na masama na agad ang ugali ko.

     Sorry para sa mga di naman dapat maapektuhan, but I have to write it down all that thoughts in this blog, or else sasakit at kikirot lang ang puso ko kapag ka kinimkim ko ang lahat ng ito.

      I'm not looking and collecting enemies. I am searching for those people who can help me sa paglet-go ng mga masasamang pangyari na naganap sa aking buhay, iyon ang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila maisip, so now alam nyo na. 

   But on the other side, this is also another way of letting go, ang pagpapakawala sa mga masasamang bagay na hindi mo naman kelangan sa pagtulog mo, and with that this is the end of this blog.

3 comments:

  1. anak please don't mis-interpret yung mga sinasabi sa iyo ng mga tao.. it so happen siguro na all of you were pressured during the last few weeks and one can't help say words that may hurt you or anyone for that matter, pero that doesn't mean na sila ay galit sa iyo or worse that they mean what they say.. eka nga spur of the moment lang yun..

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. yes po mamita gagawen ko po yan, salamat po sa pagkakataong magkaroon po kami ng open forum last meeting, at least po mas naliwanagan ako, di lang po pala ako kaming lahat na rin, alam ko na po if saan po ako magsisimula ulit. "Be Positive" na po mula ngayon ang theme ng buhay ko. Tutulungan ko na po ang aking sarili na maging masaya sa piling ng mga aking totoong kaibigan at extended family doon sa university. Iiwasan ko na rin pong magalit agad-agad. See you po ulet.

    ReplyDelete