Tuesday, July 9, 2013

Hindi Mo Aakalain.

Unang pasok ko sa eskwela. Tandang tanda ko pa siya lang ang una kong kakilala. Bago kasi ako sa klase nila. Mas ahead ako sa batch nila pero sa ilang kadahilanan ay nakasabay ko sila.

Bago pa man magpasukan ay kinuha ko na yung number niya. Siya talaga yung una ko naisip na pwede kasama habang ako may medyo nangangapa pa sa kanila. Hindi naman kasi ako nagdalawang isip na ako ay irereject niya. Hindi ako nagkamali. Sobrang bait niya talaga. Kung titingnan mo siya, grabe sobrang ganda niya :") hindi niya to alam pero ngayon sasabihin ko na, lagi ko siya tinitingnan. Totoo, may mga time na kapag nagka-klase kami ay mapapatingin na lang ako sa kanya. Ayun nga, habang tiningnan ko siya lalo siya paganda ng paganda. Ang liit ng mukha niya, ang sexy ng katawan niya. O saan ka pa? Nakakainis na! Haha

Pag hindi mo siya kilala, aakalain mo talaga na ang tahimik niya. Na ang hinhin niya. Na hindi man lang maka basag pinggan. Pero kapag nakasama mo siya, hindi mo aakalain talaga! Magugulat ka na ang gulo din niya. Maharot yan. Hindi lang talaga halata. Mawiwindang ka talaga sa mga trip niya. Kahit minsan ako tuwang-tuwa sa kanya. Naalala ko pa bago siguro yun mag bakasyon, nung minsan nag trip siya, in-stapler niya yung palda ng mga kaklase namin, syempre pati ako naging biktima niya. (Hindi ko alam kung naaalala pa niya.) At linchak, alam niyo ba bago magpasukan nakita ko may stapler pa ko sa palda. Medyo kinakalawang na. Gaga talaga siya. Hahaha! At natawa na lang ako nung nakita ko yun.

At eto pa, alam niyo ba kung ano pangarap niya?
..................................

Gusto lang naman niya maging Treasurer. :)
Totoo, pangarap niya yun. Ang cute diba?

Kaya ayan, tumatakbo siya ngayon bilang Treasurer ng CASSC. Oh go beb! Push mo yan. Dream come true na itey. Kasama mo kami sa pagtupad ng mga pangarap mo. Haha! Alam niyo na? Siya na nga ang future Treasurer natin mga kapatid sa CAS.

3 comments: