Di ko alam kung pano ko sya nagawang asarin nung 1st year kami, lalo na muka syang masungit. Ewan ko, basta bigla ko na lang syang tinawag na "mooncake". Then sabi nya, kamatis tawag sa kanya nung high school. So naisip ko, quits lang pala :)
Di kaya dahil sa matakaw ako kaya puro pagkain nasa isip ko? Hhmm.. O bagay lang talaga sa kanya yung mga ganung tawag? ☺
Anyways, it all started sa cutting classes. 1st meeting namin sa PE nun, ee nagkataong finals pa ng NBA (Lakers vs. Celtics). Tara daw, ride naman ako. Sinu daw ba may pinakamalapit na bahay, and obviously, sino pa nga ba. Ade gorabels kami sa bahay. Ako, Mooncake, Leeg, Gil. YAN! Sila ang unang college visitors ko ☺
Actually, sila lang ang nanuod. Nagco-computer ako that time at hinahanap ang Facebook profiles ng apat na mababait. Di ako interesado sa basketball, kumbaga nakikisunod lang ako sa uso.
Mooncake, Kamatis, kahit anu pang mga pang-aasar sabihin namin sayo, ikaw pa rin yan! Ikaw na! Ikaw na talaga brad. Ikaw yung tao na laging nagpu-push sakin sa mga bagay-bagay. Ikaw yung laging sumusuporta sakin sa mga gagawin ko/natin. Ikaw yung tao na handang tumulong maayos lang lahat. Ikaw yung classmate na di ramdam ang competition sa classroom. Ikaw yung kaibigan na dapat ingatan at i-treasure. Alabya brad! muah muah! Yung mga panahong suko na tayo sa subjects, projects, exams, final requirements, etc., lagin tayong nagdadamayan. Sa mga kadramahan natin, kasiyahan, kalokohan, kasuntukan, present tayo dyan!
Sorry kung super-nega ko. La ee, mabilis sumuko. Actually hindi suko, takot lang sigurong sumubok. Pero alam mo brad, simula nung sabihan mo ko, na-realize kong tama ka. Dapat laging positive. Aja! Dun ko naisip na madali lang pala ang college lalo kung di ka matatakot sumubok. SALAMAT brad! Masaya pala yun. lakasan lang talaga ng loob. Di natin magagawa yung TahaNONE kung negative tayo pare-pareho. Tsaka sa iba pang mga bagay na lagi kang nanjan para sumuporta.
Brad, alam kong alam mo to. HAHAHA! Officer ka ng NSTP nun, pero syempre walang inside job sa pagkapanalo ko ☺
Super ramdam ko yung suporta at kaligayahan mo nun para sakin. Pero ewan ko, iba pala yung feeling ng sumusubok ng mga bagong bagay. Yung feeling na kahit di ko pa nasisimulang gawin, positive na agad? Yung tipong puro good vibes pinapairal? Yun pala yung passion ☺ yung minamahal mo yung ginagawa mo. Ang sarap nun. Di ko matututunan yun kung hindi dahil sayo MOONCAKE ☺
P.S.
talagang magtatampo ko kung di ako invited sa kasal mo. pero hindi ako magkakasal sa inyo ha? ahaha pass muna sa pagpa-pari. alam mo yan! ahaha kaya naman, sagot ko na Pre-nup, event, post-nup, binyag ng inaanak ko, birthdays nya, kasal nya, etc. lahat yun! ahaha sabihan mo lang ako. love you brad!
nice brad. mahal din kita. montik pa ko maiyak damulag. loveyah!
ReplyDeleteyun o! ahaha
Deletehahahah. akalain mo yun. :))) hindi mo pala alam na kaya ka nanalo sa nstp kasi officer ako. sorry ngayon ko lang nasabi -.-
Deleteahaha tse :P nadulas lang si butas kaya ko nalaman :D
Deletesino si leeg.. how sweet guys.. i'm so happy pag nakikita ko kayong tila mag-kakapatid lang..
ReplyDeletefriend po namin. barkada nung 1st year tas lumipat po.
ReplyDelete