Eto na nga ba sinasabi ko, we'll gonna do it reverse! masaya ito! hhihih.
Sa kabila ng aking kasiyahan, may kaba parin akong nararamdaman. Aba naman, paano mo gagawan ng magandang talata ang isang maganda diwata?
Seryoso na, alam ko namang maganda ka, pero mas maganda .........
ka nga talaga kesa sakin hhahah! Bakit kamo diwata? Aba'y talo si Aphrodite sa kulot pag pumapasok! At pag tinanong mo siya kung bakit siya naka kulot on a regular day, ang sagot niya?
"Bored kasi ako kanina."
Bongga diba!
Diwata ba kamo? Eh kasi naman minsan napapa Hilary (heelst/heels) pa yan, taob ang angels ng Victoria's secret pag rumampa (sa room).
At pag ngumiti? Cuteness overload! Talo ang minions!
Ikaw na teh.
Pero eto seryoso na talaga. Diwata hindi lang dahil sa panlabas ng itsura niya, kundi pati sa kagandahan ng ugali niya. Titignan niyong parang maarte, pero malinis lang talaga siya sa lahat ng aspeto ng buhay niya.
Medyo hindi madali yung mga pinagdaanan niya dati, napa tears of joy pa nga sa isang prof. pero tignan niyo naman, hindi sumusuko kasi isa lang naman talaga ang gusto niyang mangyari, makapag tapos na ng pag-aaral. Marami kasi siyang pangarap sa buhay niya, pero bago ang kanyang sarili, pamilya niya ang mas importante. Madami siyang pangarap para kay first-name-basis-mom niya at kay first-name-basis-dad niya, siyempre lalo na para kay chairman niya.
Walang boyfriend ang babaitang ito pero madami siyang friends, if you know what I mean. Ayaw niya ng boyfriend, friends friends lang daw muna. Pero seriously ayaw pa muna talaga niya mag boyfriend. Kaya sa inyong mga boys, matuto kayong maghintay kasi bihira nalang ang ganitong babae! Magtino na kayo! (bitter??) hhahah
Madami pang pwedeng sabihin para sa babaeng ito pero ito nalang muna dahil mas makikilala niyo siya lalo pag naging kaibigan niyo na siya. Sobrang sarap kasama, kahit kuripot ako hindi niya parin ako iniiwan, mamaya nga ililibre pa ako niyan ng kwek kwek kay isay, tsaka isang pineapple juice. Pero bago yon, pag inaaya ko siyang kumain, maririnig ko muna ang "Sige, tara kain ka." "Wiz na lumala!."
Oh goooo!
P.S.
hoy babae! kahit sobrang maldita mo, gusto kong malaman mo na mahal kita :">
kahit minsan wiz na nyumunyosok, tatapusin natin 'to! 2014! itaga sa hard case ng iphone6!
kahit napaka matampuhin mo lab lab parin kita.
Di ako magsasawang paalalahanan ka sa mga kailangan nating gawin, pag wala kang gawa, wala din ako oh goooo! Magandang galawan yan! :))
Wag na tayong tamandarin, sipag sipagan din pag may time okay? Tulungan tayis! :***
wizz na beb. :)
ReplyDeleteAW :(
ReplyDeleteAy wiz! Haha
ReplyDeletenaiyak si shannen!
ReplyDeleteShufal!
ReplyDelete