Sunday, July 7, 2013

Talent na nakaka-wow! :)

 Wow! As in wow talaga. :D Nung una hindi ko alam kung anong nangyayari, pagkatapos ng klase bigla nalang napuno yung room namin ng ibat-ibang studyante na karamihan ay hindi ko naman kilala. Ayun, nagtanung ako, kaya naman pala audition pala ng tinatawag nila na BUTAG. Actually, 2nd screening na pala yon. Wala kasi ako nung 1st screening e, hindi ko alam kung hindi yata ako nainform o talagang wala lang ako nun? Haha honestly, hindi ko talaga alam kung para saan ba yung BUTAG na yon, maitanung nalang minsan. :P pero nakakatuwa palang makasaksi ng ganun. First time kong nakapanood ng nagpeperform ng live, in front of me, yun talagang may iyakan, comedy, tragic moment.. Nakaka-shock pala. I never thought na may ganun palang talent ang mga estudyante ng Baliuag University. :D Ang gagaling nila, kainggit! If I only have a confidence like them, naku, dadaigin ko sila. Just kiddin'. :D Basta masasabi ko lang, sila ang mga estudyanteng may talent na nakaka-wow! :) Congrats sakanila/sainyo na nag-audition, hindi lahat ng tao magagawa kung ano man yung pinakita niyo. Nakakatuwa na mayroon kayong lakas ng loob para ipakita ang galing niyo, hindi ko man kayo napanood lahat sigurado, garantisado, maganda naman ang ginawa niyo. :) Yun lang, Godbless. ^_^

1 comment:

  1. you have your own talents din stef.. just learn to let it go, let it shine..

    ReplyDelete