Friday, July 5, 2013

Potatoes and Fries.


Kaibigan ko, kamusta ka?
Sa nagawa ko, ako'y humihingi ng pasensya
Patawarin mo aking mga salita
Ganun talaga siguro, pag natataranta

Gusto mo ba ako ay kumanta?
Kahit ano basta ikaw ay sumaya,
Magjojoke, para ikaw ay matawa
Sasayaw, para ikaw ay mairita

Ang hirap gumawa ng tula
Ang hirap ngumiti pag may tumutulong luha
Shit. I hate this, nasaktan kita
I hate TSEL, please, sorry na.

Sayang, nasasayang itong aking gawa
Mali kasi galaw kong nagawa
Eto pa naman yung pagkakataon ko para maipakita
Sa lahat, kung sa aki'y, sino ka

Maituloy, ge, bahala na.

Sya.
Sya sa aki'y nagpapatawa
Pagpapaiyak, pang aasar at pangiirita
Lahat kanyang kaya
Isa sya sa mga taong di ko inakala
Na magiging kaibigan at makikilala
Pero, wala, pinagtagpo ng tadhana
Joke lang, nagkataon lang ang lahat, talaga
Akalain mo, pinagmulan nung high school, ay iisa
Ngunit, hindi pa.. hindi pa takda na magkakita
Ahead ka, sinong mag-aakala
Magkamukang kurso ating nakuha
Wait there's more, magiging magka-classmate pa
Hindi pa natatapos ang storya
Sa radyo, ikaw pala'y makakapareha
Mga liko at kagaguhan, alam nating dalawa
Bakit? dahil tayo ay naging magkaibigan, diba?
Akala ko, tapos na ang storya
Mali, hindi pa pala.

Madaming nagyari sa pagitan, ayoko ng sabihin pa
Ikaw at ako, tayo lang ang may alam talaga

Salamat, hindi ka nagsawa
Sa pagintindi at pagsama
Sa pagtulong at pag aalaga
Wala na, wala na kong masabi pa

Ilan na ba? Ilan na ba ang napagdaanan natin nang magkasama
Napakadami na, teka... darating ay marami pa.
Aking pakiusap, wag mo ko bitawan.
Hahayaan ko na ang naunang linya
Kahit ito ay wala sa tugma
Uulitin ko, please, wag mo ko bitawan

Madali ako mairita
Magselos, mabwisit at sa mood ay mawala
Madalas akong hindi nagsasalita
Hindi ako maputi, sexy o maganda
Wala e. Iba talaga ko sakanila

Ayokong pilitin ka, gusto ko lahat ay kusa
Maipagmamalaki? Ako ay wala
Bahala na. Bukas at sa mga darating pa
Isa lang ang aking bala
Dito sigurado ako ay tatama
Mahal kita
Mali, Mahal na mahal pala kita.


2 comments: