Saturday, July 6, 2013

Galing na di mo inakala!:)

Sa paglipas at pagdaan ng mga panahon hindi mo aakalain ang mga taong nakakasama mo sa araw araw mong pag pasok sa silid aralan ay may mga natatagong angking galing sa kanilang mga sarili. Mga galing na sila lamang ang makakapag patunay na kayang kaya nga nilang ipagmalaki sa kahit na sinong tao.


Nakakataba ng puso para sa isang kagaya ko na makita silang nagpapakitang gilas sa harap ng maraming tao. Sila ang mga taong biniyayaan ng natatanging talentong di mo inakala . Sila ang mga estudyante na nagmula sa iba't-ibang departamento ng pamantasan ng baliuag.

Mga estudyante handang ipresinta ang mga kanilang natatanging galing sa pag arte, pagkanta, at pagsayaw. Kahit na sinong manunuod ay hindi magsasawang panuorin silang magpakitang gilas sapagkat ang bawat emosyon na yung mararanasan sa kanila ay tiyak na madadala ka maging ito man ay mapa komedya o drama. Kahanga hangang mga bata! masasabi kong hindi sila nagkamali sa pinasok na pintuan na para sa kanilang mga pangarap. Maituturing mga espesyal na tao ang mga kagaya nila.

Hindi man ako napabilang sa kanila na nag pakitang galing, alam ko sa sarili ko na balang araw ay magiging kagaya ko rin sila. May galing din akong di aakalain na kahit na sinu man. Basta't lagi lamang tayung magtiwala sa ating mga sarili at maglakas loob na ipakita ang mga natatanging galing ay hindi tayu mawawalan ng pag asa sa buhay na maabot ang ating mga minimithing mga pangarap sa buhay. At ito ay ang pangarap na galing na di mo inakala!

No comments:

Post a Comment